𝗕𝗔𝗖𝗒𝗠𝗠 π—¦π—§π—¨π——π—˜π—‘π—§π—¦ π—‘π—š 𝗑𝗩𝗖, π—‘π—”π—‘π—šπ—¨π—‘π—” 𝗦𝗔 π— π—˜π——π—œπ—” π—Ÿπ—œπ—§π—˜π—₯𝗔𝗖𝗬 π—¦π—¬π— π—£π—’π—¦π—œπ—¨π— 

Sa gitna ng patuloy na paglaganap ng misinformation at disinformation sa digital na mundo, nanguna ang mga mag-aaral ng Bachelor of Communication (BACOMM) ng Northwestern Visayan Colleges (NVC) sa isang Media Literacy Symposium upang sanayin ang mga estudyante ng Bakhaw Norte Integrated School sa pagiging mas mapanuri at responsableng mamamayan ng media.

Isinagawa ang symposium noong Pebrero 27, 2025, na may temang β€œMedia-Smart Citizens: Empowering Minds”, na naglalayong bigyang-kakayahan ang mga Grade 10 students na masusing suriin ang mga impormasyong kanilang natatanggap online.

Isa sa mga pangunahing tagapagsalita ng seminar ay si Ms. Teresa Iguid, isang batikang DJ at writer ng K5 News FM Kalibo 94.5. Tinalakay niya ang kahalagahan ng media literacy at kung paano nito mapipigilan ang pagpapalaganap ng maling impormasyon. Ipinaliwanag din niya ang pagkakaiba ng misinformation at disinformation, pati na rin ang mga epektibong pamamaraan ng fact-checking at cross-checking ng sources upang matiyak ang kredibilidad ng impormasyon.

β€œKung tayo ay may sapat na kaalaman sa media, hindi tayo basta mahuhulog sa false information,” ani Iguid, habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng digital literacy sa makabagong panahon.

Samantala, nagbigay naman ng mahalagang diskusyon si Cedrick V. Cusay, isang BACOMM student at kasalukuyang Editor-in-Chief ng The Forum Publication ng NVC. Tinalakay niya ang konsepto ng netiquette o ang tamang asal sa social media, kabilang ang mga dapat at hindi dapat gawin sa online interactions.

Hinikayat niya ang mga estudyante na pairalin ang respeto sa digital na mundo gaya ng ginagawa sa totoong buhay.

β€œRespect online is just as real as respect in personβ€”type with kindness,” aniya, na nagbigay-diin sa pangangailangan ng responsableng pakikisalamuha sa social media.

Bilang pagtatapos ng symposium, ginawaran ng sertipiko ang mga estudyanteng pinakamahusay na nakilahok sa isang writing activity na naglalayong subukin ang kanilang pag-unawa sa mga araling tinalakay.

Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ng BACOMM students ng NVC na gawing mas mulat ang kabataan sa responsableng paggamit ng media at bigyan sila ng kasanayang kinakailangan upang suriin ang impormasyon nang kritikal sa patuloy na lumalawak na digital na landscape.

Section Editor: Christan John Dela Cruz

Senior Photojournalist: Hyster Marie Tibus

For more photos, click here.