𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔-𝗦𝗠𝗔𝗥𝗧 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦, 𝗕𝗡𝗜𝗦!

Ang AB Department kasama ang NVC Forum Publication ay magsasagawa ng isang talakayan na pinamagatang “Media-Smart Citizens: Empowering Minds at Bakhaw Norte Integrated School” sa Pebrero 27, 2025, mula 1:00 PM hanggang 5:00 PM.
Bahagi ito ng AB Extension Program na naglalayong turuan ang mga mag-aaral ng mahahalagang kasanayan sa media literacy, upang sila ay maging mas mapanuri at responsable sa paggamit ng media.
Pangungunahan ang programa nina Teresa Iguid, isang bihasang media practitioner, at Cedrick Cusay, Editor-in-Chief ng NVC The Forum Publication.
Sa temang “Informed, Aware, and Empowered: Promoting Media Literacy for All,” layunin ng aktibidad na bigyang-diin ang kahalagahan ng tamang paggamit ng impormasyon sa makabagong panahon.
Maging mulat, at maalam, BNIS!
Associate Editor: Jean Gelito
Layout Artist: Lorence Traje