๐๐๐๐๐ก ๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐ช๐ข๐ฅ๐๐ ๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐ฆ ๐๐ฅ๐๐๐๐ข๐ ๐๐๐ฌ, ๐ก๐๐-๐๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ฌ ๐๐ข๐๐ก๐ก๐ฌ ๐๐๐ฌ๐๐ก๐

Para sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day sa Mayo 3, 2025, dinaluhan ng ibaโt ibang media outlets at organisasyon mula sa Aklan โ kabilang ang Aklan Provincial Police Office, Commission on Elections, mga publikasyong pampaaralan gaya ng NVC The Forum at ang Bachelor of Arts Department โ ang selebrasyon ng World Press Freedom Day na ginanap sa Ati-Atihan Festival Hotel, 19 Martyrs Street, Kalibo, Aklan.
“World Press Freedom means we have the right to express what we want to say,” pahayag ni Jun S. Aguirre, tagapangulo ng Aklan Media Citizens Council, sa kanyang pambungad na pananalita. Binigyang-liwanag niya ang kahalagahan ng kalayaan sa pamamahayag bilang saligan ng demokrasya at ang papel ng midya sa pagtataguyod ng transparency at pananagutan sa lipunan.
“Media is not only a science but also an art,” pahayag ni Dr. Romeo Lorenzo, isang doktor na natagpuan ang kanyang pagmamahal sa paglilingkod sa larangan ng midya. Sa kanyang makabuluhan at mapagmuning mensahe, binigyang-pansin niya ang pamamahayag bilang isang marangal na propesyonโisang bokasyong nagbibigay-kaalaman, nagpapalakas ng kapangyarihan ng mamamayan, at nagpapagalaw ng damdamin.
โIt is a profession where you can make people proud, laugh, happy, or even sad. Many people dislike media practitioners because they use the microphone to speak the truthโand truth hurts,” dagdag niya, na binibigyang-diin ang mahalagang papel ng midya sa paghubog ng opinyong publiko at pagbabago sa lipunan.
Upang pagaanin ang daloy ng programa, pinangunahan ni Carla Mae Ilig ang isang therapeutic energizer na nagbigay-sigla sa mga dumalo, nagpasayaw at nagpatawa sila, at nagpasigla ng kanilang isipan.
“As long as there are deputy chief officers in every municipal police station, there is safety for media in Aklan,” pahayag ni Police Master Sergeant Jean Vega ng PNP. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng midya upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamahayag at ang integridad ng mga impormasyong naipapamahagi sa publiko.
“We love freedom. We value the opportunity to express ourselves, and we must protect it,”
pahayag ni Engr. Roger Esto na kinikilala ang mahalagang papel ng midya sa isang demokratikong lipunan. Nanawagan siya ng patuloy na pagtatanggol sa kalayaan sa pamamahayag at responsableng pagbabalita upang matiyak ang pagpapalaganap ng katotohanan at maaasahang impormasyon.
Tampok din sa programa ang isang open forum kung saan nakapagtanong at nakapagbahagi ng saloobin ang mga dumalo, na nagbigay-daan sa isang makabuluhang talakayan hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng midya.
Ang selebrasyong ito ay nagsilbi ring pagpupugay sa yumaong Johnny Dayang, isang beteranong mamamahayag na malagim na pinaslang sa kanyang tahanan noong Abril 29. Binuksan sa mga dumalo ang pagkakataong magsulat ng mensahe sa isang tarpaulin bilang pag-alala at pagkilala sa kanyang naiambag sa larangan ng pamamahayag sa Pilipinas.
: Kyla Stephanie Nalumen, Feature Writer
: Hyster Marie Tibus, Senior Photojournalist
For more photos, clickย here.
#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#johnnydayang#JusticeWillPrevail#journalism




