PAGGABAY: TAMANG KAISIPAN TUNGO SA TAGUMPAY

“Always be mindful.” – Paalala ng gabay na tagapayo sa pagpili ng tamang desisyon.
Matagumpay na isinagawa ang Career Guidance Seminar 2025 sa temang “IoT (Internet of Things): A Mindful Navigation of Maximizing Connectivity in Making Informed Choices,” sa pangunguna ng Guidance Services Department.
Layunin ng seminar na gabayan ang mga magsisipagtapos na mag-aaral ng Northwestern Visayan Colleges (NVC), mula sa lahat ng departamento sa paggawa ng matalinong desisyon sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at konektadong mundo.
Rowena D. Racelis – gabay na tagapayo ng institusyon, ang naging pangunahing tagapagsalita. Sa kanyang talumpati, binigyang-linaw niya ang kahalagahan ng mindfulness sa pagdedesisyon, lalo na sa panahon ng digital age na malaki ang impluwensiya ng IoT. Ibinahagi rin niya ang ilang personal na karanasan na maaaring magsilbing gabay ng mga mag-aaral sa kanilang tatahaking landas pagkatapos ng kolehiyo. Ang talakayan at nagbigay daan sa mas malalim na pag-unawa ng mga estudyante sa ugnayan ng teknolohiya at tamang pagpapasya.
Sa kabuuan, ang talakayan ay hindi lamang nagbigay ng kaalaman ukol sa teknolohiya at kahalagahan ng connectivity, kundi naghatid rin ng makabuluhang paalala. Nagsisilbi din ito bilang payo na sa kabila ng mabilis na takbo ng panahon at pagbabago, ang paggawa ng matalinong desisyon ay nagsisimula sa pagiging mindful.
Sa pagtatapos, muling pinaalalahanan ni Gng. Racelis ang mga mag-aaral na bukas siya sa pagbibigay ng gabay at suporta. Hinihikayat niya ang mga nais kumonsulta na makipag-ugnayan kay Bb. Lalaine Dela Cruz, RPm – Psychometrician ng Guidance Services Department, para sa karagdagang tulong at impormasyon.
: Wilmar Delos Santos, Junior Staff Writer
: Hyster Marie Tibus, Senior Photojournalist
For more photos, click here.
#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#CareeeGuidance





