๐ฃ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐ข ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก๐, ๐ฆ๐๐ ๐จ๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ฆ ๐ ๐๐ง๐๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐

Nag-umpisa sa pasabog, natapos din sa pasabog! Nagwakas ang 77th Foundation Week ng Northwestern Visayan Colleges sa ginanap na NVC Foundation Week Awards and Fellowship Night 2025 sa huling araw nito, kahapon, Abril 10, sa NVC CSQ Gymnasium. Sa kanilang mga nagniningning na formal attire, at sa katuwangan ng mga neon lights at jazz music, ang gabi ay naging magdamag ng kwentuhan, pagbatian, at tawanan.
Naging daan din ang kaganapan sa pagpapangaral sa mga mag-aaral, partisipante, at kalahok sa mga programa sa buong Foundation Week, ng kanilang mga lubos na pinaghirapang mga karangalan at pagkilala. Ito ay binuo ng mga minor awards, major awards, at mga gantimpala para sa NVC Theater Competition 2025. Ito ay bilang pagkilala sa kapuri-puring dedikasyong inilaan at ipinakita ng mga nasabing mag-aaral sa mga aktibidad sa apat na araw ng linggo ng pagkakatatag ng NVC. Nagtapos ang gabi sa pag-iindak sa elektronikong musika na iplinaka ng DJ na si Seth Hilario.
Kahit natapos na ang NVC 77th Foundation Week, ang mga binhing naitanim nito ay patuloy na mabubuhay sa ating mas umunlad na pagkakaisa, kaaktibuhan, at institusyonal na diwa dahil dito. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang bawat tagpo, parangal, at ngiti sa patuloy nating pagtahak sa landas ng pagkakaisa, masiglang partisipasyon, masikhay na paglilingkod, at mas matibay na pakikipagkapwa. Kita kits ulit sa susunod na taon, NVCians!
: Christian Jhon Dela Cruz, Section Editor
: Brent Lorenz Roberto, Photojournalist and Hyster Marie Tibus, Senior Photojournalist
For more photos, clickย here.
#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#77thFoundingAnniversary#SupremeStudentCouncil



