𝗟𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗘𝗠𝗜𝗡𝗔𝗥: 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗨𝗕𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗗𝗘𝗥𝗔𝗧𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔

“𝘔𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘵𝘶𝘥𝘺𝘢𝘯𝘵𝘦 𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘰 𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘯, 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘦𝘢𝘥𝘦𝘳𝘴”
Ito ang naiukit sa mga isipan ng mga mag-aaral ng Bachelor of Science in Business Administration ng makabuluhang Leadership and Management Seminar kaninang umaga, sa NVC ASQ 4th Floor Function Hall.
Ang programa ay sinimulan sa pamamagitan ng isang pambungad na mensahe ni Gng. Jennie Fe Artango, isang Faculty ng BSBA, sa ngalan ni Bb. Joy Lhyn O. Agregado, LPT, ang Faculty Coordinator of BSBA. Ayon sa kanya, ang pamumuno ay hindi lamang tungkol sa mga ranggo, kundi pati na rin ang epekto, pakay, at kakayahang pumukaw sa ibang tao. “Leadership isn’t just about titles. It’s about influence, vision, and the ability to inspire others,” ayon sa kaniya.
Masunod na ipinakilala na ang guest speaker ng programa na si Hector G. Magliquian, Jr., isang NVC Alumna, two-time teacher, at kasalukuyang aktibong youth leader at ang SK Chairperson and SK Federation Vice President of Malay. Kaniyang sinimulan ang kaniyang leksyon tungo sa pagbabahagi ng kaniyang karanasan mula sa pagiging mahiyain at hindi gaanong mapalad sa high school hanggang sa siya ay sanayin ng NVC sa pagiging aktibo at mahusay sa pamumuno. Dahil dito, siya ay naging tagaakit ng tagumpay, tulad ng mga pagkilala bilang Best Performing SK of Malay at isang Malaynon Youth Achiever.
Ipinahayag din niya ang kaniyang Road Map tungo sa isang magandang pamumuno, na kinapapalooban ng ng dedikasyon sa ginagawa, pagbuo ng tiwala, epektibong komunikasyon, pagtataas sa ibang tao, pagiging inobatibo, at paglinang ng positibong kultura. Dito, sinabi rin niyang ang isang mabuting pinuno ay lumilikha ng maganda kahit walang tumitingin. “Gumawa tayo ng mabuti kahit walang nanonood sa atin. Kahit walang taong nagpipicture sayo” aniya.
Naglahad din siya ng mga tip sa pagiging isang mabuting pinuno, tulad ng mas maraming pakikinig kaysa sa pagsasalita, pagbibigay ng kredito sa dapat na bigyan ng pagkilala, pananatiling kalmado sa gitna ng kagipitan, at pakikipagsabayan sa mga nagbabagong stiwasyon. Dinagdag na rin na dapat magbigay ng mga epektibong puna, pansinin ang potensiyal ng ibang tao, paggawa ng mga mahirap na pasya kung kinakailangan, at mas magtanong kaysa sa sumagot.
Kaniya ding ipinaliwanag ang mga elemento ng magandang pamumuno tulad ng integridad, kaaalinsunuran, kabutihan, pananagutan, at pagiging malalapitan. Isinaad din niya ang mga palatandaang ang isang tao ay mahusay na lider na, tulad ng pagkakaroon na ng kusang inisyatibo, pakikipag-ugnayan ng malinaw, pagiging hinihingan ng payo na, at nakabase sa solusyon.
Ayon din sa kaniya, ang isang magaling na pinuno ay pinapalakas ang kaniyang mga miyembro, at dapat nating itaas ang ating kapwa. “We empower others as a good leader, dapat alam natin kung paano mag-empower ng isang tao. Kailangan nating mag-find ng ways para mag-motivate at mag-inspire ng isang tao,” ayon sa kaniya.
Sa kaniyang pagwawakas, binanggit niyang ang pagiging pinuno ay hindi kaagad na likas, kung hindi nakakamit tungo sa karanasan, pagkatuto, at pagsasanay. “Leadership isn’t just about titles. It’s about influence, vision, and the ability to inspire others,” aniya. At nagtanong din siya sa apat na mag-aaral mula first year hanggang fourth year kung nasaang punto ng kanilang buhay na sila.
Ang programa ay nagtapos sa isang pangwakas na mensahe na ibinigay ni Severino Calandria, ang Governor ng BSBA Department.
Ang seminar ay naging posible dahil sa koordinasyon ng BSBA Department sa pag-oorganisa nito, sa pangunguna ng kanilang Departmental Student Government at ni Ginoong Marc Nikko Castro, ang BSBA Departmental Student Government Adviser.
Layon ng programang hasain ang mga kasanayan ng mga mag-aaral ng BSBA sa pamumuno at pamamahala. Ang programa ay bahagi ng pagdiriwang ng 77th Foundation Week ng Northwestern Visayan Colleges.
: Christian Jhon Dela Cruz, Section Editor
: Angelica Faith Briones, Photojournalist, at Brent Lorenz Roberto, Photojournalist
#Sa_NVC_IKAW_ANG_BIDA#foundinganniversary#foundationday#nvcsupremestudentcouncil#77thAnniversary#NorthwesternVisayanColleges#NVCTheForumPublication#77thFoundationAnniversary#BidaKaSaNVC#TheForumPublication




