LITERARY | BUKNOY, Para sa Isa, BUKNOY, Para sa LAHAT!!
LITERARY | BUKNOY, Para sa Isa, BUKNOY, Para sa LAHAT!!
“Girl, nagutom eot’a ako nga mayad…ugaling hay bente pesos eat’a tag akon nga money, paalin baea ra?”
“Ako man ngani girl…”
“Ayy girl makaon eang kita it BUKNOY, sure ako nga manami ag afford pa naton.
“Musyon sa BUKNOY!”
Maraming nangarap at nangangarap sa pagtungtong sa kolehiyo. Ito’y isa sa mga hakbang sa pagtupad ng ating mga mithiin sa buhay. Nangangahulugan din ito na tayo’y malayo na sa ating mga magulang, malayo na tayo sa responsibilidad natin sa ating mga tahanan. Hindi na tayo madaling mauutusan nina nanay at tatay. Ika nga ng karamihan, โโkapag kolehiyo ka na, kaya mo na ang tumayo sa sarili mong mga paa.โ
Subalit sa kabila ng ating pangarap at saya sa pagtungtong sa kolehiyo, kabalikat rin nito ang mga bagay na kailangang isipin at harapin. Isa sa mga ito ay ang kung papaano tayo makakahanap ng makakain.
Ang BUKNOY ay higit pa sa pagkain. Ito rin ay sumisimbolo ng pagsusumikap ng maraming estudyante na itaguyod ang kanilang pangarap at magbigay ginhawa sa kanilang mga pamilya. Ang puhunan ng mga nagtitinda nito ay hindi lang pera, kundi pawis, dugo, oras, at pahinga.
Marami nang estudyante sa kolehiyo ang naitawid ang gutom dahil sa BUKNOY. Salamat kina โkuyaโ at โateโ na nagtitinda ng BUKNOY araw-araw. Hindi madali ang maghanda ng mga ibebentang buknoy at hindi rin madali ang humanap ng puhunan para rito. Kaya ganun na lamang ang pagpupursige ng mga nagtitinda nito na makabenta araw-araw upang mabigyang solusyon ang mga suliranin ng estudyanteng kapos, at upang unti-unting iahon ang kanilang mga pamilya sa kahirapan ng buhay.
Dugo, pawis, puhunan, oras, at pahinga, yan ang kalakip ng kanilang pakikipagsapalaran kasama ang buknoy. Magbenta ng mura at masarap na ulam sa mga estudyante at magbigay ng saya at tuwa sa mga ito, yan ang kita na higit pa sa halaga ng perang kanilang kinikita.
Kaya ikaw, bente nalang ang pera mo? Huwag mag-alala, makakapag-BUKNOY ka pa! Masarap, malaman, madaling hanapin, nakakabusog, at higit sa lahat kayang-kaya ng bulsa. Tiyak na makakatipid ka na, makakakain at mabubusog ka pa.
BUKNOY, katuwang ng estudyante sa buhay kolehiyo, kasama sa katuparan ng pangarap na iyong binubuo.
BUKNOY, Para sa Isa, BUKNOY, Para sa LAHAT!
Sinulat ni: Louis Joseph M. Candari, 1st Year, BCAED
Guhit ni: Sean Eloid Lomugdang Dominguez BSED 2A
#NVCTHEFORUM#NVCians#NVC2023#NVC#theforumpublication#buknoy#studentlife#northwestervisayancolleges#Northwesternvisayancolleges#ForumPublicationStars