NVC SHOOTER CLUB

‎Matagumpay na nagsagawang muli ang NVC Shooters Club ng Reception Rites Training, ang pagsasanay sa kanilang mga miyembro sa wastong paghawak, pagbubuo ng baril at tamang posisyon sa paghawak ng baril, mula Marso 29 hanggang April 1, 2025, sa NVC CSQ Ground at NVC Criminal Justice Education Building.

‎Nagkaroon din ng pagsusulit para malaman ang kaalaman ng mga miyembro nila patungkol sa marksmanship. Ininterbyu rin ang mga kasapi ng grupo sa unang araw ng training workshop.

‎‎Sa ikalawang araw nagkaroon ng leksyon para sa pag-assemble at pag-disassemble ng baril. Dagdag nagkaroon din ng leksyon patungkol sa Close Quarter Battle, isang uri ng labanan na nagaganap sa masisikip na espasyo at kadalasang kinasasangkutan ng barilan o labanan sa malapitan.

‎Nagsagawa rin ng dry firing activity upang sila ay masanay sa pagkontrol sa gatilyo. Ito ay kinabibilangan din ng pag-activate ng firing mechanism ng isang baril ng walang bala, at paghawak ng armas nang ligtas at epektibo sa gastos.

‎Ang shooting session na ito ay naglalayong subukin ang pisikal at mental na tibay ng mga bagong recruit, pagtuturo ng mga tamang pag-gamit ng baril, pag-disiplina, at palaganapin ang pakikisama sa loob ng organisasyon.

✍🏻: Regina Juliene Serino, Junior Staff Writer

📸: Karla Dandoy, Photojournalist

For more photos, click here.

#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#nvcshootersclub