𝗣𝗡𝗣 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗕𝗢, 𝗞𝗔𝗧𝗨𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗙𝗙𝗔𝗜𝗥𝗦, 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗛𝗔𝗭𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗜𝗡𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗡𝗩𝗖

Upang matugunan ang lumalalang problema at mga aktibidad na may kaugnayan sa hazing, ang Office of the Student Affairs (OSA), sa pakikipagtulungan ng Junior High School at Senior High School, ay nakipag-ugnayan sa PNP Kalibo upang magsagawa ng Anti-Hazing Seminar sa Northwestern Visayan Colleges (NVC). Ginawa ito ngayong Marso 17, 2025, sa CSQ Gymnasium ng NVC, at dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa Junior High School at Senior High School.
Sa pangunguna ng PNP Kalibo, tinalakay sa seminar ang mga panganib ng hazing at ang kahalagahan ng pag-iwas dito. Ipinaliwanag din ang legal na kahihinatnan ng hazing at ang pangangailangang igalang ang karapatang pantao.
Ang resource speaker mula sa PNP Kalibo ay nagbigay ng detalyadong paliwanag tungkol sa Anti-Hazing Act, kabilang ang mga parusang ipinapataw sa mga sangkot sa ganitong uri ng aktibidad.
Ang Anti-Hazing Seminar ay naging makabuluhan at puno ng aral para sa mga mag-aaral, na aktibong lumahok sa talakayan at nagpakita ng interes sa mga usaping may kaugnayan sa hazing, fraternity, sorority, at mga kaugnay na batas.
Ang inisyatibong ito ay isang mahalagang hakbang upang agarang matugunan at maiwasan ang mga suliraning dulot ng hazing sa mga paaralan.
: Queesy Anne C. Lozada at Shahanna Angel Kim T. Barrera, Junior Staff Writer
: Brent Lorenz Roberto, Photojournalist
#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#antihazing#PNPKalibo







