𝗡𝗩𝗖 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗢𝗥𝗨𝗠 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗢𝗩𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗚𝗥𝗔𝗧𝗜𝗧𝗨𝗗𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗦𝗢

Nakipagtulungan ang NVC The Forum Publication sa Movement of Gratitude para sa isang espesyal na selebrasyon ng Araw ng mga Puso na pinamagatang “Love For All: A Valentine’s Day Special.”
Namahagi ang dalawang organisasyon ng iba’t ibang pagkain at inumin upang magbigay kasiyahan sa mga residente ng Kalibo, kabilang ang mga kapulisan at tricycle driver.
Nagkaroon din ng photo booth upang bigyang-daan ang mga magkasintahan, pamilya, at magkakaibigan na magkaroon ng mga alaala mula sa selebrasyon. Ang mga ngiti at saya sa mga larawan ay sumasalamin sa pagmamahalan at pagkakaisa ng komunidad.
Naging matagumpay ang aktibidad na ito sa tulong ng mga sponsor tulad nina Kalibo Sangguniang Bayan Member Matt Guzman, Kalibo Municipal Police Station sa pamumuno ni Chief MPAJ Frensy Andrade, Felicita’s Delicacies, at Haplos Massage and Spa.
Ang “Love For All: A Valentine’s Day Special” ay nagsilbing paalala na ang tunay na diwa ng Araw ng mga Puso ay nasa pagbibigay ng pagmamahal at kabaitan sa isa’t isa, hindi lamang sa espesyal na araw na ito kundi sa araw-araw.
Junior Staff Writer: Bloom Rich Baquid
Video Editor/ Photojournalist: Earl John Abello at Hyster Marie Tibus
For more photos, click here.





