Community Exchange: “Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan”

Isang makabuluhang inisyatiba ang Community Exchange Program, kung saan ang bawat miyembro ng komunidad ay hinihikayat na magbahagi ng mga gamit na hindi na nila kailangan ngunit maaaring maging yaman para sa iba. Pinangungunahan ito ng NVC CWTS Unit, NVC Community Extension, at NVC Alumni Affairs, kasama ang mga alumni, mag-aaral, at lokal na residente sa isang sama-samang pagsisikap na nagtataguyod ng pagkabukas-palad, pagpapanatili, at pagiging maparaan.
Sa suporta ng The Forum Publication, ang programang ito ay higit pa sa simpleng pagpapalitan ng gamitβito ay isang hakbang patungo sa mas matibay at nagkakaisang komunidad.
BENEPISYO NG PAKIKILAHOK:
Malilinis mo ang iyong tahanan mula sa mga hindi na kailangang gamit.
Matutulungan mo ang iba sa pamamagitan ng reuse at recycling.
Mapalalakas ang diwa ng pagtutulungan sa komunidad.
Makakatipid ka habang nakakatulong sa iba.
“BASURA ng isa, YAMAN ng iba.”
For more photos, click here.






