๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ถ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ฟ๐๐บ ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ถ๐ฎ ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ ๐ผ๐ฑ๐ฒ๐น ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฑ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐

Dalawang miyembro ng Forum Publication, sina Louis Joseph M. Candari at Noreen V. Bernas, ang napili upang kumatawan sa Pilipinas sa Asia Youth International Model United Nations (AYIMUN) 17th, isang prestihiyosong internasyonal na kumperensya na gaganapin sa Thailand.
Ang AYIMUN ay isang international youth leadership program na nagbibigay ng plataporma sa mga kabataang lider mula sa ibaโt ibang panig ng mundo upang talakayin ang mahahalagang isyung kinakaharap ng United Nations. Layunin nitong palakasin ang kakayahan ng kabataan sa parliamentaryong diskurso at pagbuo ng mga solusyong may respeto, integridad, at hangaring reporma.
Ayon kay Louis, isang simpleng Facebook post ang nagtulak sa kanya upang lumahok sa AYIMUN. โNakita ko ito sa Facebook at naisip kong subukan magparehistro. Naisip ko, wala namang mawawala,โ aniya. Subalit sa huling bahagi ng aplikasyon, napagtanto niya na ang kanyang hilig sa liderato at representasyong pangkultura ang tunay na nagtulak sa kanya upang sumali.
โNaisip ko ang kakayahan ng kabataan na magamit ang kanilang boses sa tamang paraan. Iniisip ko rin ang mga kabataang patuloy na lumalaban sa kabila ng kanilang mga pagsubok. Kaya nandito ako, hindi lang upang kumatawan sa aking paaralan kundi sa buong Aklan at Pilipinas,โ dagdag pa niya.
Para naman kay Noreen, ang kanyang pagkahilig sa paglalakbay, sining, at kultura ang nag-udyok sa kanya upang magparehistro. โAng AYIMUN ay isang pambihirang pagkakataon upang makilala ang mga tao mula sa ibaโt ibang kultura at bansa. Napili ako sa maraming aplikante, at isa itong biyaya na hindi ko palalampasin,โ wika niya.
Sa usapin ng paghahanda, parehong binigyang-diin ng dalawa ang financial preparations at pagpapahusay ng kanilang public speaking skills. โDahil ito ang aking unang international conference, kailangang paghandaan ko ang pagsasalita sa harap ng maraming tao at ang pakikilahok sa mga debate,โ ani ni Noreen.
Ang pagkakabilang ng dalawang miyembro ay isang patunay na ang kabataang Pilipino ay may kakayahang makilahok sa pandaigdigang usapan. Sa kanilang dedikasyon, tapang, at pagmamahal sa bayan, dala nila ang pangalan ng Pilipinas sa isang entabladong kinabibilangan ng mga pinakamahuhusay na kabataan mula sa ibaโt ibang panig ng mundo.
Sa darating na Asia Youth International Model United Nations, hindi lamang sila magiging mga kinatawanโ sila ay magiging boses ng pag-asa, pagbabago, at inspirasyon para sa mas maraming kabataang Pilipino.
Associate Editor: Jean Gelito
Layout Artist: Lorence Traje