Unang CJED Day, Matagumpay na naisagawa

Ipinagdiwang ng Criminal Justice of Education Department (CJED) ng Northwestern Visayan Colleges ang kanilang kauna-unahang CJED Day sa pangunguna ng kanilang Student Council sa NVC CSQ Gymnasium kahapon January 24, 2025.

Ang programa, na may temang “SAMPANAW: Unity where knowledge meets action,” ay pinasinayaan nina Mr. Alejandro P. Arca, Jr. at Mr. Redentor Quimpo, mga CJED instructor, sa pagpanguna sa seremoniya ng pagbubukas at deklarasyon nito.

“Knowledge is potential but action is power,” sinabi ni Ms. Kaycee Z. Apolinario, isang alumna at instructor ng CJED alumna and instructor sa kaniyang pampukaw na mensahe bilang panauhing pandangal ng nasabing programa.

Ang mga aktibidad sa palatuntunan ay kinalakipan ng Airsoft Fun Shooting, Arnis Competition, at mga booth tulad ng movie theater at karaoke upang matiyak ang kasiyahan at kalibangan ng mga mag-aaral na dumalo.

Layon ng palatuntunan na mapabulas ang pagkakaisa, pagkakaibigan, at pakikipagkapwa ng mga CJED Students para sa kasalukuyang semestre at sa mga susunod pang akademikong taon

For more photos, click here.