NVC SADSAD PANAAD: ISANG PAGDIRIWANG NG KULTURA AT TRADISYON

Ang Ati-atihan Festival ay isang makabuluhang pagdiriwang ng pagkakaisa at kultura, kung saan nagkakaisa ang komunidad sa pagmamahal sa Sr. Sto. Niño. Ito ay isang pagkakataon upang ipakita ang mga tradisyon at kasaysayan ng Kalibo.

Ang pagdiriwang ay nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga tao, habang nagpapakita ng mga ritmo, sayaw at musika na nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa Sr. Sto. Niño.

Sa isang masilak na hapon, taun-taon na lumalahok ang NVC sa pagdiriwang na ito. Ang Sadsad Panaad 2025 noong Enero 15, 2025, kasama ang pakikilahok mula sa pangulo, mga dekano ng bawat departamento, mga guro, at kawani.

Kabilang dito ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang departamento tulad ng Elementarya, Junior High School, Senior High School, BSCRIM, BSBA, BSHM, BSTM, BSED, BSCS, BACOMM, at Alumni.

Ilang mga mag-aaral ang nagbahagi ng kanilang mga saloobin tungkol sa kamakailang NVC Sadsad Panaad matapos makilahok sa pagdiriwang.

Ayon kay Chim She Roberto, isang mag-aaral sa BSED English major, “Ang ganda ng event, pero masaya dahil kasama ang mga kaibigan. Nagbibigay ito ng pagpapahalaga sa kultura para sa mga mag-aaral at nagtataguyod ng pagkakaisa.”

Nagbahagi rin si Louis Joseph Candari, gobernador ng BCAED Department, “Katulad ng dati, puno ito ng buhay ng Ati-Atihan Festival na ang pangunahing dahilan kung bakit may ganitong aktibidad. Nakakapagod, ngunit sulit na rin. Sa kabila ng mainit na araw, nagpatuloy ang sadsad at ang kasiyahan.”

Naging masaya at hindi malilimutang karanasan para sa lahat ng nakilahok sa Sadsad Panaad. Ang makilahok sa pagdiriwang ng “Mother of All Philippine Festivals” ay talagang kahanga-hanga.

Habang tumatagal ang panahon, maraming tradisyon mula sa nakaraan natin ay magpapatuloy, hindi lamang upang maranasan ng mga mag-aaral sa hinaharap, kundi higit sa lahat, upang ibahagi ang pamana na bawat NVCian ay nag-ambag at nagpasa mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng makabuluhang tradisyong ito sa panahon ng Ati-Atihan Festival.

✍🏻:Earlyn Joy Arboleda, Irene Guevarra, Regina Juliene Serino, Social Media Managers

📷: Hyster Marie Tibus, Photojournalist

#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#SadsadPanaad2025

Check out more amazing photos! Just click the link.