๐ก๐ฉ๐ ๐๐๐๐๐ช๐๐ฅ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐๐ ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ฌ๐, ๐ ๐๐ง๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฌ ๐ก๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Ang wikang Filipino ay hindi lamang isang wika. Ito ang nabibigay ng kulay sa bawat letrang ating binibigkas, at nagsisilbing tulay ng pagkakaisa ng bayang puno ng pangarap. โ โ
Noong Agosto 24, 2026 matagumpay na naisagawa ng Northwestern Visayan Colleges – Kagawaran ng Elementarya ang taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika sa loob ng NVC Gymnasium, na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”. Sa kolaborasyon ng mga guro ang selebrasiyon ay naging kapuri-puring halimbawa sa pagpapahalaga ng ating wika.
Ang programa ay nagsimula sa isang taimtim at bukal sa puso na panalangin, pag awit ng pambansang awit ng Pilipinas, at sinundan din ng isang nakakabighaning pambungad na mensahe ni Gng. Aileen Frances Q. Hernandez, Punong Guro. โ โTampok rin sa programa ang mga iba’t ibang talento ng mga mag aaral mula sa Kinder hanggang Baitang 6 โ makabayang pagsasadula, kahanga-hangang sayaw, napakagandang pag-awit, at makukulay na mga kasuotan. Sumunod din dito ang panunumpa ng mga opisyales ng Samahan ng mga Magulang, Guro at Tagapangasiwa, at Samahan ng mga Mag-aaral sa Paaralan.
Nag tapos naman ang programa sa kahanga-hangang mensahe mula kay Gng. Karen N. Antaran, Punong Tagapag-ugnay sa Filipino. โ โWikang Filipino ating tangkilikin, wikang pambansa ating pagyamanin. Sa kabila ng pag unlad ng makabagong teknolohiya, sariling atin ay bigyang pansin. Tulad ng sabi ni Dr. Jose P. Rizal, “Ang hindi marunong bumalik sa kaniyang pinangalingan ay mas masangsang pa sa malansang isda”. Mabuhay ang Wikang Filipino, mabuhay ang bansang Pilipinas!
: Joe D. Marcelino Jr.
: Ronze Angelo Guibao & Kyla Stephanie Nalumen
#BuwanNgWika2026#WikangFilipino#WikangFilipinoWikangPambansa#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#northwesternvisayancolleges#NVC#nvctheforumpublication#sa_nvc_ikaw_ang_bida#bidakasanvc#NVCBasicEd#nvcelem










