๐ก๐ฉ๐ ๐๐ข๐๐๐๐๐ ๐ข๐ ๐๐๐จ๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ก๐๐๐๐จ๐ก๐ฆ๐๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐ก๐๐ฅ ๐ง๐จ๐ก๐๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐ ๐ง๐๐๐๐๐๐ฅ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ : ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐ก๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐ข๐๐๐ ๐๐๐จ๐๐๐ง๐๐ข๐ก
Isinagawa ngayong ika-5 ng Mayo, 2025, sa ASQ Building ng NVC College of Education ang isang makabuluhang seminar na may temang โNVC Internationalization: Becoming a SEA Teacher.โ Layunin ng seminar na ito na ipakilala at palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa oportunidad na hatid ng SEA Teacher Exchange Program.
Pinangunahan nina Vianca D. Pamocol at Gcliff Christian Bartolome, dalawa sa mga kinatawan ng SEA Teacher Program mula sa NVC, na kakagaling lang sa kanilang internship program sa Universitas Negeri Jakarta noong nakaraang Marso ang isang makabuluhang talakayan hinggil sa SEA Teacher Exchange Program. Sa kanilang pagbabahagi, tinalakay nila ang layunin ng programa, ang estruktura nito, at kung paano nagsimula ang partisipasyon ng NVC College of Education sa internasyonal na proyektong ito.
Inilahad din nila sa kanilang presentasyon ang proseso ng kanilang ginawang aplikasyon, dinausan na panayam, at demo teaching para sa internship program. Ibinahagi din nila ang kanilang mga personal na karanasan at hamon sa pagpasok sa programa. Binigyang-diin ang mga importanteng katangian ng SEA Teacher, ito ay ang mga sumusunod: aspiring educator, bukas sa cultural exchange, adaptable, collaborative, resourceful, at responsable. Nabanggit din nila ang proseso ng pakikipag-ugnayan sa mga Partner Institutions, tulad ng Universitas Negeri Jakarta (UNJ), na kabilang sa Top 1000 universities sa buong mundo.
Binigyang-inspirasyon nila ang mga dumalo sa pamamagitan ng kanilang mga kwento ng pakikisalamuha sa ibang kultura, mga pagsubok na kanilang hinarap, at mga tagumpay bilang kinatawan ng NVC sa internasyonal na entablado. Ibinahagi rin nila ang kanilang mga karanasan hinggil sa mga pasilidad at sa pakikisalamuha sa mga kapwa nilang educator doon. Ayon sa kanila, naging magaan at maayos ang kanilang pananatili dahil sa maayos na pagtanggap at walang sawang suporta ng mga taong nakasama nila.
Ang seminar na ito ay isang patunay na ang NVC College of Education ay patuloy na gumagawa ng hakbang tungo sa internasyonal na pagkilala at paglinang ng mga globally competitive educators. Isa itong oportunidad para sa mga NVCians na magkaroon ng mas malawak na pananaw sa mundo ng edukasyonโhindi lamang sa loob ng bansa kundi maging sa mga bansa ng Southeast Asia.
: Earlyn Joy G. Arboleda, Senior Staff Writer
: Jay M Viray, Photojournalist
#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#SEATeachers#CollegeOfEducation#GlobalEducation
















