๐—ฉ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ฅ’๐—ฆ ๐—˜๐——๐—จ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ: ๐—ฃ๐—”๐—š๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก

โ€ŽNagdaos ng Voter’s Education 2025 ang JCI Aklan Kalantiao katuwang ang Northwestern Visayan Colleges, JJC-NVC, NVC BCAED Department, at Provincial Youth Development Office (PYDO) ng Aklan.

โ€Ž

โ€ŽKalahok ang mga eskolar ng Northwestern Visayan Colleges natanggap nila ang isang makabuluhang programa na naglalayong palalimin ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa kanilang mga karapatan at tungkulin bilang mga mamamayang botante.

โ€Ž

โ€ŽNapuno ang aktibidad ng mahahalagang impormasyon, makabuluhang pananaw, at mga aral na tiyak na makatutulong sa pagpapalawak ng kamalayan at kakayahan ng kabataan sa larangan ng pagboto.

โ€Ž

โ€ŽTinalakay ni Louis Joseph M. Candari, gobernador ng BCAED, ang wastong paraan ng pagsusuri ng impormasyon sa social media. Ibinahagi rin niya ang kapangyarihan ng social media sa pagpapalaganap ng tama at makabuluhang impormasyon.

โ€Ž

โ€ŽSamantala, si Janica Anne Dela Peรฑa, PYDO Officer, ay naglahad ng mga responsibilidad ng kabataan matapos ang halalan. Binigyang-diin niya na ang bawat isa ay may kakayahang magpahayag ng saloobin at makilahok sa paggawa ng mga patakarang makabubuti sa nakararami. Tinapos niya ang kanyang pagtalakay sa isang makabuluhang panunumpa ng mga kabataang iskolar ng NVC na nagsusulong ng pagiging responsableng botante.

โ€Ž

โ€Ž”Huwag mong tignan ang kandidato, tignan mo kung sino ang nakapalibot sa isang kandidato,” ito ang mahalagang paalala ni Allan Angelo L. Quimpo, CPA, MBA, Pangulo ng NVC. Sa kanyang diskusyon, binigyang-diin niya ang halaga ng pagboto at ang kapangyarihang taglay ng bawat boto. Gumamit siya ng mga kongkretong halimbawa upang mas malinaw na maunawaan ng kabataan ang kanyang paksa.

โ€Ž

โ€ŽAng programa ay nagtapos nang matagumpay at nag-iwan ng malaking marka ng pagkatuto, pagkamulat, pakikilahok, at pagmamahal sa iisang komunidad na kanilang kinabibilangan.

โ€Ž

โ€Ž”May kapangyarihan ang bawat boto ninyo. Gamitin ito nang tama, at maniwalang may kakayahan kayo tungo sa pag-unlad at pagbabago.”

โœ๐Ÿป: Wilmar Delos Santos, Junior Staff Writer

๐Ÿ“ธ: Brent Lorenz Roberto, Photojournalist

For more photos, clickย here.

#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#VotersEducation#jjcnorthwesternvisayancolleges