๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”: ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—š๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—”๐—›๐—ข๐——

Ang Araw ng Manggagawa, na kilala rin bilang Labor Day o Pandaigdigang Araw ng Manggagawa ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing Mayo 1 upang bigyang-pugay ang mga manggagawa at kanilang kontribusyon sa lipunan at ekonomiya. Ito ay isang pambansang holiday sa maraming bansa, kabilang ang Pilipinas.

Ipinagdiriwang ang Araw ng Manggagawa upang kilalanin ang kontribusyon ng mga manggagawa sapagkat sila ay may mahalagang papel sa pag-unlad ng ekonomiya at lipunan. Sila ang nagbabanat-buto upang maibigay ang mga pangangailan ng publiko, at pagpapakita ng suporta sa mga karapatang manggagawa tulad ng karapatan sa patas na sahod, ligtas na trabaho at makatarungan ng kondisyon sa trabaho.

Nasimula ang pagdiriwang na ito sa mga kilusang unyon at mga protesta para sa karapatang manggagawa sa Estados Unidos noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Ang unang pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa ay nangyari sa Estados Unidos noong 1882, ngunit noong 1903 lamang ito ipinagdiriwang sa Pilipinas. Ang Mayo 1 ay pinili bilang petsa ng pagdiriwang dahil sa mga protesta at rally ng mga manggagawa sa Chicago noong 1886 na nagresulta sa pagtatag ng walong-oras na araw ng trabaho. Ngunit sa halip na pagpaparangal lamang, panahon na upang ipaglaban ang matagal nang ipinagkakait: isang sahod na sapat upang mabuhay nang may dignidad.

Hindi lihim sa atin ang kalagayan ng masang anakpawis. Habang tumataas ang presyo ng mga bilihin, nananatiling mababa pa rin ang pasahod. Habang lumolobo ang kita ng malalaking korporasyon, patuloy na ginagatasan ang lakas-paggawa ng tao. Sa kasaklapan, maraming manggagawa sa bansa ay hindi tiyak ang seguridad sa trabaho’t kabuhayan, walang sapat na benepisyong natatamasa, walang pahinga, at malala pa’y salat sa pagkain sa hapag.

๐—œ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ’๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป?

Ang Pilipinas ay hindi naitayo ng mga pulitiko lamang. Hindi ito iniangat ng mga negosyanteng mayayaman. Ang kataas taasang katotohanan na hindi natin nabibigyang diin ay ang katotohanang ang ating bayan ay itinayo sa pawis at dugo ng uring manggagawa.

Sila ang nagtayo ng mga paaralan, ospital, tulay, daan, at gusali. Sila ang nagtanim ng ating pagkain, nagluto nito, naglingkod sa mga pabrika, sa opisina, sa mga ospital, sa mga palengke, at sa mga lansangan. Maging sila ring mga OFW na nagtitiis sa kabilang panig ng mundo para may maipadala sa mga mahal sa buhay. Sila ang dahilan kung bakit buhay at tumatakbo ang ekonomiya ng bansa, subalit sila rin ang pinakaapi, pinakainiiwan, at pinakatahimik na sinasakal ng sistemang kumikita sa kanilang pagpapagal.

Hindi sapat ang smpleng “salamat.” Hindi sapat ang pagbati lamang. Ang kailangan ng uring manggagawa ay kongretong pagbabago: nakabubuhay na sahod, ligtas at regular na trabaho, at pagkilala sa kanilang karapatan.

Kaya ‘t sa araw na ito, habang ipinagdiriwang ang Araw ng mga Manggagawa, ating sariwain ang kasaysayan ng kanilang pakikibaka, mula sa welga ng La Tondeรฑa hanggang sa mga kilos-protesta ng mga unyon, hanggang sa bawat tahimik na pagtitiis ng mga manggagawang walang boses. At mula roon, tayoโ€™y dapat humugot ng lakas upang makiisa sa mga manggagawa ng bayan sa kanilang laban at panawagan para sa nakabubuhay na sahod!

Hindi sapat ang kasalukuyang minimum wage na inilalapat ng bawat kompanya kapalit ng kanilang pagod. Mula sa kanayunan hanggang sa kalunsuran, iisa ang panawagan; ang kailangan natin ay living wage. Sahod na hindi lang sapat sa pamasahe at instant noodles. Kundi sahod na kayang bumuhay ng pamilya, magpaaral ng anak, at maglaan para sa kinabukasan. Dahil hindi tayo nilikha para lang mabuhay, tayo ay nilikha upang mamuhay.

Uring manggagawa ang nagtaguyod sa bansa. Tiyak ay panahon na para itayo natin ang lipunang para sa uring manggagawa.

๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ต๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป, ๐—ถ๐˜๐—ผโ€™๐˜† ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป.

โœ๐Ÿป: Sean Dominguez, Editorial Cartoonist at Irene Guevarra, Junior Staff Writer

๐Ÿ–ผ๏ธ: Christoph Calpito, Layout Artist

#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication

#SahodItaasPresyoIbaba

#MayoUno2025

#ArawNgMgaManggagawa