๐—”๐—™๐——๐—”, ๐—ง๐—”๐— ๐—ฃ๐—ข๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—›๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ž๐—Ÿ๐—”๐—ก: ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—จ๐—ง๐—ข๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—œ๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—ฌ๐—”๐——๐—ข๐—ฅ

April 11, 2025 โ€” Isang masigla at makabuluhang talakayan ang naging tampok sa Kapihan sa Aklan, matapos itong daluhan ng mga miyembro ng Aklan Fashion Design Association (AFDA). Ibinahagi ng asosasyon ang kanilang mga inisyatibo at adbokasiyang patuloy na nagbibigay-daan sa paglinang ng lokal na talento sa larangan ng fashion design.

Dumalo sa naturang segment sina Adriano Samar (Chairman ng Internal Affairs), Joeriz Quenesio (Vice Chairman ng Internal Affairs), Mel Grecia Quimpo (Public Information Officer), Frhyne Danan (Secretary), at Asia Adriana Ybarra (Assistant Secretary/Treasurer). Bitbit nila ang iisang layuninโ€”ipakilala at ipagmalaki ang mga programang inilunsad ng AFDA upang paigtingin ang lokal na industriya ng fashion sa Aklan.

Ayon kay Mel Grecia Quimpo, “We envision to be an effective organization for fashion and creatives… continuing our legacy to develop young designers to innovate and promote the local fabrics and other products towards globalization.”

Sa kanilang pagdalo, ibinahagi rin ng AFDA ang kasalukuyang estado ng fashion industry sa Aklan, kabilang ang mga hamon at oportunidad para sa mga lokal na disenyador. Tampok din sa diskusyon ang mga inisyatibang isinasagawa ng asosasyon, gaya ng pagsasanib-puwersa nila sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Aklan upang sanayin ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa paggawa ng mga bag mula sa rafia, nito, at piรฑa fabric.

Layunin ng naturang programa ang pagbibigay-kasanayan sa mga PDL upang silaโ€™y magkaroon ng pagkakataong magbagong-buhay, magkaroon ng sariling pagkakakitaan, at muling makapag-ambag sa lipunan.

Bilang pagtatapos ng kanilang panayam, inanyayahan ng grupo ang publiko na makibahagi sa darating na fashion event na โ€œHinuguran it Akeanonโ€ na gaganapin sa Aklan Provincial Capitol Building sa darating na April 28, 2025, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Aklan Day.

Inaasahang magpapakitang-gilas sa nasabing okasyon ang mga modelo mula sa Aklan at Capiz, habang suot ang mga obra ng Aklanon fashion designersโ€”isang patunay sa sigla, likha, at galing ng lokal na industriya ng moda.

โœ๐Ÿป: Jonah Macahilig, BACOMM 3A

๐Ÿ“ธ: Hyster Marie Tibus Senior, Senior Photojournalist

#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#kapihansaaklan#aklanfashiondesigners