๐ก๐ฉ๐ ๐ง๐๐๐๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ ๐ฃ๐๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ: ๐ฃ๐๐๐ฃ๐จ๐ฃ๐จ๐๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐ก๐ ๐๐ง ๐ฃ๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ง๐๐๐๐ก๐ง๐ข ๐๐ง ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก

Muling pinatunayan ng Northwestern Visayan Colleges (NVC) na buhay na buhay ang sining at kultura sa puso ng bawat mag-aaral sa isa sa mga pinakaaabangang highlight ng 77th Foundation Week ng NVC โ ang taunang Theater Competition na may temang โIstoryang Banwa”, na naganap noong Abril 9, 2025 sa NVC CSQ Gym.
Isa itong gabi ng malikhaing pagbabahagi ng mga kwentong bayan, kasaysayan, at salaysay ng komunidad, kung saan pito ang lumahok na grupo na mula sa departmento ng Junior Highschool, Senior Highschool, Educators, D’Generals, Primos, Hoteliers, at Executives.
Pinangunahan ni G. Vicente Quimpo, NVC Board of Director, ang opisyal na pagbubukas ng programa, kung saan mainit niyang tinanggap ang mga mag-aaral, miyembro ng student organizations, mga guro, mga panauhing pandangal, at ang mga hurado. Sa kanyang talumpati, kanyang binigyang-diin na ang gabi ay hindi lamang tungkol sa kompetisyon ngunit isang selebrasyon ng malikhaing imahinasyon.
โThis is more than just a platform it is a space where their imaginations come to life. We are about to witness a magic that can only be created to theater,โ ani Quimpo, bago tuluyang binuksan ang gabi ng pagtatanghal.
Sa isa-isang pagtatanghal ang pitong grupo, bawat isa ay may kanya-kanyang malikhaing interpretasyon sa temang โIstoryang Banwa.โ Mula sa mga kwento ng pagmamahalan at kabiguan, hanggang sa mga alamat at salaysay ng kabayanihan, ang bawat dula ay nagsalamin ng mitolohiya, kuwentong-bayan, kultura, kasaysayan, at kultural na tradisyon mula sa iba’t-ibang komunidad, bayan, at lalawigan sa bansa.
Ang mga estudyante ay nagpamalas ng kahusayan sa larangan ng sining sa pamamagitan ng mahusay na pag-ganap, malikhaing pag-gamit ng mga props, makabagbag-damdaming musika, at matalinong pagsulat ng iskrip. Ang entablado ay napuno ng pagtangis, kasiyahan, lungkot, pighati, at mga mensaheng tiyak na tumatak sa isip ng mga manonood.
Nang dumating ang pinakahihintay na bahagiโang pag-aanunsyo ng mga nagwagi, ang bawat grupo ay kinilala sa kani-kanilang kahusayan. Ngunit tatlong grupo ang namayagpag:
Senior High School (SHS) โ Champion, “Ro Dawak-Dawak”, sa malikhaing direksyon nina Renz Retiro at Lorenz Magsisi.
Educators โ 1st Runner Up, na nagtampok ng kwento ni Madja-as, kwento ng isang dalaga na minahal ng dalawang makikisig na lalaki, sina Kanlaon at Baloy. Sa direksyon ni Louis Joseph Candari.
Hoteliers โ 2nd Runner Up, na ipinamalas ang isang masaya at makulay na istorya ni Juan Tamad, na pinamagatang “Kung mahimo, Himuon”, sa direksyon ni Lorence Andrienne Traje.
Sa pagtatapos ng programa, buong puso ang pasasalamat na ipinaabot ni G. Jay Lawrence, na nagbigay ng closing remarks. Pinuri niya ang mga estudyante sa kanilang husay at determinasyon, at nagpasalamat sa mga guro, panauhin, at manonood na naging bahagi ng gabi.
Ang pagtatanghal ng โIstoryang Banwaโ ay hindi lamang simpleng pagdiriwang ng sining, kundi isa ring pagsasabuhay ng pagkakakilanlan, pagmamalasakit sa kasaysayan, at pagmamahal sa bayan. Sa paglipas ng mga taon, ang NVC ay patuloy na magiging tahanan ng mga kuwentong Pilipinoโmga istoryang may puso, dangal, at di-matutumbasang kahulugan.
Ang gabi ng teatro ay nagwakas, ngunit ang alaala at diwa ng โIstoryang Banwaโ ay mananatili sa bawat NVCianโisang inspirasyon upang magpatuloy sa pagsulat ng sariling kasaysayan sa entablado ng buhay.
: Avril Lliamey Y. Carvajal, Managing Editor
: Hyster Marie Tibus, Senior Photojournalist and Brent Lorenz Roberto, Photojournalist
For more photos, clickย here.
#SupremeStudentCouncil#theatrecompetition#77thFoundingAnniversary#FoundationDay#NVCTheForumPublication#NorthwesternVisayanColleges#Sa_NVC_IKAW_ANG_BIDA




