๐๐Ž๐’๐„๐’ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐“๐€๐๐† ๐€๐Š๐‹๐€๐๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐˜๐€๐†, ๐๐€๐Œ๐€๐˜๐€๐Œ๐๐€๐† ๐’๐€ ๐๐„๐–๐‚๐€๐’๐“๐ˆ๐๐† ๐‚๐Ž๐Œ๐๐„๐“๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ – ๐‡๐ˆ๐†๐‡ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐

Isang bagong alon ng mga kabataang Aklanon ang umalingawngaw sa mga bulwagan ng City Mall Kalibo, Aklan ang ipinamalas ng mga aspiranteng newscaster ang kanilang mga talento sa inaabangang Newscasting Competition โ€“ High School Edition na ginanap noong Abril 10, 2025.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng Bachelor of Arts in Communication Department at NVC The Forum Publication katuwang ang Aklan Provincial Youth Development Office (PYDO Aklan) sa layuning mailantad ang mga batang talento sa larangan ng newscasting, lumikha ng kaalaman at karanasang tatatak at magiging bahagi ng kanilang paglalakbay tungo sa pagbibigay-lakas sa mga tinig na lumalagpas sa mga balita.

Nagtipon-tipon sa patimpalak ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Aklan, hindi lamang upang ipamalas ang kanilang husay sa pagbabalita kundi pati ang kumpiyansa at kredibilidad habang nasa entablado. Ang mga kalahok ay nagmula sa Bacan National High School, Altavas National High School, Catalino M. Prado National High School, at Northwestern Visayan Colleges.

“True broadcasting is storytelling. Itโ€™s the power to inform, to inspire, to influence. Speak with purpose. Tell stories that matter. Let your voices be strong, but let your values be even strong.”โ€” ito ang binigyang-diin ni Joecel R. Cuenca, Co-Adviser ng BA in Communication Department, sa kanyang pambungad na pananalita na nagbigay inspirasyon sa mga kalahok bago magsimula ang kumpetisyon.

Pinangunahan ang kompetisyon ng mga batikang hurado mula sa media industry: Sweet Terry ng K5 News FM Kalibo, Monsour Betero ng Love Radio Kalibo, at Mary Mershe Dela Cruz ng PYDO Aklan.

Matapos ang mahigpit na tagisan ng galing, inanunsyo na ang mga nagwagi at tunay na nagniningning sa entablado:

ENGLISH CATEGORY

Kampyon:Aron Joshua Rogan (BNHS)

1st Runner-Up: Marco Rogan (BNHS)

2nd Runner-Up: Clark Nexus Sexon (NVC)

3rd Runner-Up: Queesy Lozada (NVC)

FILIPINO CATEGORY

Kampyon: Aron Joshua Rogan (BNHS)

1st Runner-Up: Sheryl H. Rizan (CMPNHS)

2nd Runner-Up: Rhea Joy David (ANHS)

3rd Runner-Up: Shahanna Angel Kim T. Barrera (NVC)

Espesyal na Gantimpala

– Best Vocal Delivery: Rhea Joy David (ANHS)

– Best Voice Modulation: Clark Nexus Sexon (NVC)

– Best Use of Language: Aron Joshua Rogan (BNHS)

– Best Anchor Presence: Marco Rogan (BNHS)

– Best Newscaster Attire: Aron Joshua Rogan (BNHS)

Tunay nga, kadalasan ay pinipigilan ang lipunan na magsalaysay ng katotohanan, ngunit narito ang mga kabataang tinigโ€”palakas nang palakasโ€”na nagsasanay upang maiparating ang impormasyon na may buong kredibilidad.

Gaya ng sabi ni Kara David, โ€œHindi tayo ang kuwento, tayo ang tagapagsalaysay.โ€

Ito ay ang kakayahang makaugnay sa mga tao hindi lamang sa boses kundi sa katotohanan.

Ang programa ay bahagi ng ikaapat o huling araw ng pagdiriwang ng 77th Foundation Week ng NVC.

โœ: Kyla Stephanie Nalumen, Feature Writer

๐Ÿ“ท: Hyster Marie Tibus, Senior Photojournalist

#northwesternvisayancolleges#sanvcikawangbida#nvctheforumpublication