๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐

Sa pangalawang araw ng 77th Foundation Week ng Northwestern Visayan Colleges (NVC), matagumpay na naisagawa ang Canva Training Workshop noong Abril 8, sa NVC RSQ Computer Lab. Sinanay sa programa ang mga kaalaman at karanasan ng mga mag-aaral sa digital design. Ito ay naging isang natatanging pagkakataon din para sa mga kalahok na matuto ng mga kasanayan sa paggamit ng software na Canva.
โ
โSinimulan ni Chris Anthony Espaรฑol, ang gobernador ng nasabing club, ang programa sa pagbibigay ng pambungad na mensahe, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng visuals sa kasalukuyang digital era. “We’re now living in a digital age where visuals is one of the key, and Canva is one of the biggest help in our daily lives,” aniya.
โ
โPagkatapos ay ipinakilala si Bb. Euninia Mica Ella Guarino, Faculty ng Bachelor of Science in Computer Science ng NVC, bilang ispiker ng seminar. Kaniyang ipinakilala ang Canva at itinuro ang mga kaparaanan kung paano ito gamitin, at pati na rin kung paano mag-disenyo ng pubmat sa nasabing online program.
โ
โAng mga kalahok, na nagmula sa iba’t-ibang departamento, ay masunod na sumabak sa aktibidad kung saan sila ay nagdisenyo ng kanilang pubmat sa Canva gamit ang branding kit ng NVC. Ang bawat kalahok ay nagpamalas ng kanilang angking abilidad sa teknolohikal na pagdidisenyo, kung saan lumabas ang kanilang pagkamalikhain sa kanilang mga sariling estilo at paraan ng paglalayout.
โ
โNang kanila nang ipinakita ang kanilang mga nagawang digital na obra maestra, ay lubos na nahirapan ang mga hurado sa pagpili ng magwawagi. Sa huli, nakamit ni Rovel May Almongera, isang estudyante mula sa departamento ng BSCS-2A ang gintong pagkilala, at sinundan naman ni Jeremy Fritz Vargas, isang mag-aaral mula sa departamento ng Senior High.
โ
โAng mahigit tatlong oras na Canva Training Workshop ay nakatulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng pagkakataon na mahasa at maipamalas ang kanilang itinatagong talento sa larangan ng digital designing.
โ
Ang pagsasanay na ito ay tunay na nakapagbigay ng mga bagong kaalaman sa mga nakilahok, at nakapagpinta ng ngiti sa kanilang mga labi.
โAng ganitong uri ng aktibidad ay makakatulong sa mga kabataang mas lalong ipagbuti ang kanilang kasanayan sa mga digital na proyekto na magagamit nila sa mga kakailanganin sa kanila ng makabagong mundo sa kinabukasan.
: Bloom Rich, Junior Staff Writer, at Shahanna Tambong, Junior Staff Writer
: Kyla Stephanie Lubrique Nalumen, Feature Writer
#nvctheforumpublication#sa_nvc_ikaw_ang_bida#nvc_theforum#FoundationDay

















