๐’๐Š๐ˆ๐‹๐‹ ๐Ž๐‹๐˜๐Œ๐๐ˆ๐‚๐’ 2025: ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐Œ๐€๐‹๐€๐’ ๐๐† ๐Š๐€๐ƒ๐€๐‹๐”๐๐‡๐€๐’๐€๐€๐, ๐๐‘๐Ž๐๐„๐’๐ˆ๐˜๐Ž๐๐€๐‹๐ˆ๐’๐Œ๐Ž, ๐€๐“ ๐Š๐€๐’๐€๐๐€๐˜๐€๐

Pinatunayan ng mga mag-aaral ng Tourism and Hospitality Management (THM) Department ng Northwestern Visayan Colleges (NVC) na hindi lamang mga kubyertos at wine glass ang kanilang maihahain sa mesa kung hindi pati na rin galing, husay, at world-class na talento, sa isinagawang Skill Oympics 2025 kahapon, Abril 8 sa NVC THM Building.

โ€Ž

โ€ŽOpisyal na binuksan ni Mr. Marlon Cipriano, isang Faculty ng THM Department, ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang mensahe ng pambukas at pampukaw sa lahat ng mga makikilahok sa paligsahan at sa programa.

Agad na nagpaalab ng kasanayan ang mga mag-aaral sa mga paligsahan sa umaga na kinapalooban ng bed-making contest, housekeeping contest, skirting and table setup contest at flairtending contest na sinalihan ng mga estudyante sa departamento ng THM. Matapos ang paligsahan ay pinarangalan at binigyan ng sertipiko ang bawat kalahok na nanalo sa bawat patimpalak na ginanap.

โ€Ž

โ€ŽTinuloy pa sa hapon ng mga Hoteliers ang kanilang kasiyahan nang ginanap ang mga palarong pinasimunuan ng mga opisyales ng bawat klase. Ito ay kinabilangan ng T-shirt Relay, Color Jump Challenge, Eh Ikaw?, Stamp the Balloon, Ipasa mo Ang Unan Baby, Pitik Bulag, Back Drawing, Straw In A Cup, Paypayin Mo ‘Ko Baby, at Waiter Relay.

โ€Ž

โ€ŽSa pagsasagawa ng patimpalak na ito naipapamalas ng mga estudyante ang kanilang nakakamanghang talento at ekspertismo sa kanilang propesiyon, at ang kanilang husay sa paggamit ng kanilang mga natutunan sa Hospitality Management at Tourism Management. Ito ay bahagi ng apat na araw na selebrasyon ng 77th Foundation Week ng NVC.

โœ: Regina Juliene Serino, Social Media Manager

๐Ÿ“ท: Angelica Faith Briones, Photojournalist