𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐋𝐄𝐒𝐒𝐎𝐍 𝐏𝐋𝐀𝐍𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐄𝐓𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐍𝐀𝐆𝐏𝐀𝐌𝐀𝐋𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐋𝐄𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐑𝐎

Hindi lamang mga presentasyon ang naging matingkad kung hindi pati na rin ang mga galing at talino sa ginanap na Teaching Demonstration at Lesson Planning Competition kaninang umaga sa NVC Alumni Hal. Nag-alab ang kompetisyon sa pagitan ng mga mag-aaral-guro mula sa iba’t ibang departamento: BSED English, Filipino, Social Studies, BEED, BPED, at BCAED.
Iba’t ibang pamamaraan at estratehiya ang ipinamalas ng mga kalahok sa kanilang mga demonstrasyon. Mayroong mga gumamit ng mga makulay at inobatibong tradisyonal na visual aids. Kapansin-pansin din ang pagiging malikhain ng mga gumamit ng mga makabagong teknolohiya at digital aids, tulad ng story video at PowerPoint presentation, upang mapahusay ang pagbabahagi ng leksyon.
Napabilib nila ang mga hurado na sina Ma’am Precious Navejas, Sir Raygie Marte at Sir Elmer Hilario sa kanilang mahusay na paghahanda, malinaw na presentasyon, at angkop na paggamit ng mga kagamitang panturo.
Matapos ang mahigpit na pagsusuri ng mga hurado, inanunsyo na ang mga nagwagi:
Champion: Jolly Anne Reyes, 4th yr. BPED
1st Runner up: Marrycris Macali, 3rd yr. BSED-English
2nd Runner up: Stephen Padios, 3rd. yr. BSED- Filipino
Ang kompetisyon ay naging isang plataporma upang maipakita ang kanilang mga natutunan sa kurso ng Education, at upang mahasa pa ang kanilang mga kasanayan sa pagtuturo at mga imbentibong paraan ng pagbibigay-aral sa makabagong panahon.
Ang tagumpay ng Teaching Demonstration at Lesson Planning Competition ay isa lamang sa mga highlight ng ika-77 anibersaryo ng NVC College of Education. Patunay ito ng patuloy na pag-angat ng institusyon sa paghahanda ng mga kwalipikadong guro para sa kinabukasan ng edukasyon sa bansa.
: Earlyn Joy G. Arboleda, Senior Staff Writer
: Alexandra Joy Soriano, Section Editor
#nvctheforumpublication#NVC#sa_nvc_ikaw_ang_bida#FoundingAnniversary#TheForumPublication


















