π‰π‚πˆ π€πŠπ‹π€π πŠπ€π‹π€ππ“πˆπ€πŽ “π†πˆπ‘π‹π©π¨π°π‡π„π‘”

Sa pangunguna ng JCI Aklan Kalantiao at sa tulong ng mga lokal na organisasyon, gaya ng Lokal na Pamahalaan ng Kalibo, Social Welfare Office, Kalibo, at ng Fabricio Jiu-Jitsu Aklan, ay matagumpay na naisagawa ang “GIRLpowHER: Hope, Empowerment, and Resilience against violence,” isang programa kung saan tinuruan ang mga kababaihan ng self-defense at kung paano nila maaaring maprotektahan ang kanilang mga sarili sa oras ng panganib, kahapon, Marso 31, 2025 sa likod ng Iyagi CafΓ©, Andagao, Kalibo, Aklan.

Ang programa ay dinaluhan ng iba’t-ibang mga uri ng kababaihan mula pa sa iba’t ibang sektor ng komunidad, mga mag-aaral, mga propesyonal, at mga simpleng mamamayan ng Kalibo. Nagsimula ang aktibidad sa pamamagitan ng pambungad na programa, kung saan ay nagbigay ng mahahalagang mensahe ang bawat indibidwal na may malaking parteng ginampanan upang maisakatuparan ang nasabing programa.

Naunang nagbigay ng pambungad na mensahe ang Presidente ng JCI Aklan Kalantiao sa taong 2025, na si Pauline Isabel Quimpo. Kanyang binigyang-diin na ang bawat babae sa komunidad ay may angking lakas at talino na magtataguyod sa kanila patungo sa kanilang pag-unlad. Ayon pa sa kanya, mayroong natatanging lakas ang mga kababaihan kapag nagsama-sama at nagtutulungan.

Sinundan naman ito ng isang mensahe ng adbokasiya ni Irene Abao, Social Welfare Officer 1 ng Lokal na Pamahalaan ng Kalibo. Kanyang binanggit at pinakatutukan ang talakayin ukol sa R.A. 11313 o mas kilala bilang “Safe Spaces Act” o “Bawal Bastos Law”, na naipasa noong taong 2019. Ayon pa sa kanya, ang batas na ito ay isa mga pumoprotekta sa lahat ng mamamayang nakakaranas ng pang-aabuso at inhustisiya sa ating lipunan. Bago magtapos ay nag-iwan siya ng isang mapanghimok na mensahe, na ang bawat babae ay may karapatan na dapat nilang ipagsigawan at ipaglaban.

Nagpatuloy ang programa sa pagbibigay ng mensahe ng suporta ni Sangguniang Bayan Member, Atty. Christine Dela Cruz. Sa kanyang mensahe ay kanyang ipinaabot ang kanyang kagalakan na maraming kakabaihan sa komunidad ang nais na pagtibayin pa ang kanilang mga sarili at kaalaman ukol sa mga isyu na dinaranas ng karamihan sa kanila, upang ito ay kanilang malabanan at mapagtagumpayan.

Matapos ang pambungad na programa ay nagpatuloy na ang aktibidad sa Self Defense Training and Workshop, na pinangunahan ng Head Coach at Assistant Coach ng Fabricio Jiu-Jitsu Aklan, na si Zosimo Malayas III at Dane Malilay. Sila ay nagbigay ng paunang kaalaman ukol sa Brazilian Jiu-Jitsu, na siyang kanilang itinuro sa mga kakabaihang dumalo.

Nagkaroon ng dalawang sesyon ang pagsasanay at pagtuturo nila ng Brazilian Jiu-Jitsu sa mga dumalo. Ilan lamang sa kanilang itinuro ay ang tamang pagbagsak sa lupa nang nakatalikod at nakaharap. Kanila ring tinuruan ang mga dumalo ng paraan upang kanilang makontrol ang sinumang mangangahas sa sila ay saktan gamit ang mga pundasyon ng Brazilian Jiu-Jitsu.

Ayon kay Coach Dane Malilay, ang Brazilian Jiu-Jitsu ay nakatuon sa kung papaano natin mapoprotektahan ang ating mga sarili gamit ang ating liksi at kagalingan sa pag-kontrol ng ating kalaban kung tayo ay nakadapa o nakahiga sa lupa. Kanilang binigyang-diin na liban sa pagkatuto ng sining na ito, ang pagtakbo palayo sa ating kalaban ay ang pinakamagandang sining ng pakikipaglaban, dahil higit sa paglaban nang lakas sa lakas, higit pa ring mahalaga na tayo ay ligtas at malayo sa kapahamakan.

Layunin ng programa na bigyan hindi lamang ng pagkatuto ng mga kababaihan sa self-defense ngunit pati na rin sapat ng kaalaman at mataas na kumpiyansa sa kanilang lakas at kakayahan bilang mga kababaihan. Ito rin ay nagsilbing paalala na babae, lalaki, bata, matanda, at miyembro ka man ng LGBTQIA+ community, tayong lahat ay maaaring makaranas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, ngunit sa pamamagitan ng sapat na talino at lakas ng pagsasama-sama, mapagtatagumpayan natin ang bawat isyu ng pang-aabuso para sa mas ligtas at kaaya-ayang sosyodad na ating kinabibilangan.

✍🏻: Louis Joseph M. Candari, Section Editor

πŸ–Ό: Brent Lorenz Roberto, Photojournalist

For more photos, clickΒ here.

#northwesternvisayancolleges#sanvcikawangbida#NVC_THEFORUM#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#bidakasanvc#nvctheforumpublication