πππππ ππ π πππππππ πππππππ, ππππππππ ππ πππ πππππππ-ππππππππ

Isang makabuluhang seminar-workshop sa pagpapalalim ng kaalaman sa imbestigasyon at forensic techniques ang isinagawa ng Criminal Justice Education Department (CJED) at Forensic Science Student Council ng Northwestern Visayan Colleges (NVC) kahapon, Marso 29, 2025 sa NVC ASQ building.
Ang programa, na may temang “Unlocking the Secrets of Forensic Science,” ay pinangunahan ni Dr. Oscar G. Soriano, Dean ng CJED, ang pagbubukas ng programa, kasunod ang inspirasyonal na mensahe ni Dr. Vicente S. Quimpo, ang Program Head ng Forensic Science. Nagbigay naman ng lecture sa Crime Scene Processing si Police Master Sergeant Janice P. Tatoy.
Sinundan ito ng isang Open Forum kung saan nakipagtanungan at nakipagtalakayan ang mga kalahok. Sa Crime Scene Investigation and Reenactment naman, ay isinalang ang mga mag-aaral sa simulasyon ng aktuwal na proseso ng forensic investigation, mula sa pagkolekta hanggang pagsusuri ng ebidensya.
Sa pagtatapos, ginawaran ng sertipiko at token ng pagpapahalaga ang mga tagapagsalita at kalahok. Sa Closing Remarks ni Patrick Earl D. Prado, Program Head ng CJED, pinasalamatan niya ang lahat ng dumalo. Nagtapos ang seminar sa isang Photo Opportunity, bilang alaala ng natutunang kaalaman at karanasan sa forensic science seminar and workshop.
Layon ng programang mas palawakin pa ang interes at pagbibigay-pagpapahalaga nila sa mundo ng agham, pagsugpo ng krimen, mga legal na usapin, at pagbibigay-hustisya.
: Princess Cauilan, Feature Committee
: Alexandra Joy Soriano, Photojournalist
For more photos, clickΒ here.
#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#forensicscience



