𝟮-𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗠𝗜𝗡𝗔𝗥 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗛𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗩𝗜𝗦𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘𝗦

Matagumpay na isinagawa ang “PLUGGED” (𝘗𝘳𝘰𝘷𝘪𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘓𝘦𝘢𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘜𝘱𝘨𝘳𝘢𝘥𝘦𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘎𝘦𝘯𝘦𝘳𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘎𝘭𝘰𝘣𝘢𝘭 𝘌𝘥𝘶𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘋𝘺𝘯𝘢𝘮𝘪𝘤𝘴) seminar noong Marso 21, 2025, sa Northwestern Visayan Colleges, Kalibo, Aklan. Layunin ng programa na ipalaganap ang kaalaman sa Computer Science at teknolohiyang pang-edukasyon sa mga guro.

Pinangunahan ang seminar nina May A. Sotomayor, isang Code.org International Facilitator at Global School Advocate, at Edwin S. De Guzman, Vice President for Communications ng CSTA Philippines at propesor sa University of Santo Tomas.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ay: Mga Batayang Konsepto sa Computer Science, Panimula sa Code.org, Oras ng Pagkodigo, at Paggamit ng AI para sa Edukasyon at Matatag na Bansa.

Samantala, noong Marso 22, 2025, sinundan ito ng “Train O’Clock” na serye, kung saan nagturo si Rosunnie Perlas, Kalihim ng JCI Imus Wagayway para sa taong 2025, tungkol sa paglikha ng mga dashboard gamit ang Google Sheets. Samantala, itinuro naman ni May A. Sotomayor ang pag-aayos ng datos gamit ang Google Sites.

Ang seminar ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng CSTA Philippines, JCI Imus Wagayway, JCI Aklan Kalantiaw, JCI Nagueña, at iba pang organisasyon.

Patuloy na isinusulong ng NVC ang mga ganitong inisyatiba upang makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa larangan ng teknolohiya at edukasyon sa institusyon.

✍🏻: Jean Gelito, Associate Editor-in-Chief

📸: Angelica Faith Briones, Photojournalist

#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#JCIPhilippines#computerscience