๐—ž๐—”๐—จ๐—ก๐—”-๐—จ๐—ก๐—”๐—›๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—–๐—ž๐—Ÿ๐—˜๐—•๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—–๐—›๐—”๐— ๐—ฃ๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ฃ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—ข๐—ฅ๐—”๐—–๐—”๐—ฌ, ๐—œ๐—Ÿ๐—จ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—•๐—ฅ๐—œ๐—Ÿ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ

Isang makasaysayang Pickleball Championship ang nakatakdang ganapin sa isla ng Boracay mula Abril 24-27, 2025, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Love Boracay ngayong taon. Ang World Pickleball series of Boracay ang magiging kauna-unahang opisyal na Pickleball tournament sa Pilipinas na may World Pickleball Championship (WPC) rankings.

Sa programang Kapihan sa Aklan, na ginanap sa IJA Compound BSP, Cardinal Sin Avenue, Andagao, Kalibo, tinalakay ng mga eksperto ang kasaysayan, patakaran, at potensyal ng Pickleball sa bansa. Kabilang sa mga dumalo sina Normeth Parzhuber, Jerum Barrientos, Dr. Anna Ruaro, at Bryan Moran.

Ayon kay Bryan Moran, isang Pickleball player, ang naturang laro ay mas madaling matutunan kaysa sa ibang sports.

โ€œItโ€™s an easier sport that anyone can try,โ€ aniya. Sinang-ayunan ito ni Normeth Parzhuber, na binigyang-diin ang accessibility ng laro. โ€œKahit bata pa, as long as they can walk and run, we can train them,โ€ paliwanag niya.

Ang Pickleball ay isang racket sport na pinaghalo ang ilang elemento ng tennis, badminton, at table tennis. Ginagamitan ito ng isang paddle at isang perforated plastic ball, at nilalaro sa isang court na may sukat na katulad ng badminton court. Inimbento ito noong 1965 sa Estados Unidos, at ngayon ay isa sa pinakamabilis lumalagong sports sa mundo.

Ang torneo ay inorganisa ng Pickleball Global at Boracay Island Pickleball Club, sa pakikipagtulungan ng LGU Malay at Love Boracay 2025.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang opisyal na anunsyo:

[https://www.facebook.com/share/p/1C7HTh9Ed2/](https://www.facebook.com/share/p/1C7HTh9Ed2/)

โœ๐Ÿป: Jean T. Gelito, Associate Editor-in-Chief

๐Ÿ“ธ: Hyster Marie Tibus, Senior Photojournalist

#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#pickleball#loveboracay#kapihansaaklan