๐Š๐€๐๐€๐˜๐€๐๐ˆ๐‡๐€๐ ๐€๐“ ๐’๐€๐Š๐‘๐ˆ๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž: ๐๐€๐†-๐€๐‹๐€๐‹๐€ ๐’๐€ 19 ๐Œ๐€๐‘๐“๐ˆ๐‘ ๐๐† ๐€๐Š๐‹๐€๐

๐˜š๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ช๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ.

Tuwing ika-23 ng Marso, muling inaalala ng mga Aklanon at ng buong bansa ang kabayanihan ng 19 Martir ng Aklanโ€”labing-siyam na matatapang na Pilipinong nagbuwis ng buhay noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ang kanilang sakripisyo ay nagsilbing inspirasyon upang ipaglaban ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa kamay ng mga dayuhang mananakop.

Noong ika-23 ng Marso 1897, sa bayan ng Kalibo, Aklan, labing-siyam na rebolusyonaryong Aklanon ang pinatay ng mga Espanyol dahil sa kanilang pakikilahok sa Kilusang Katipunan at sa pagnanais nilang makalaya ang bansa mula sa kolonyal na paghahari. Sila ay inakusahan ng pagtataksil sa pamahalaang Espanyol at walang awang binaril sa harap ng madla bilang babala sa iba pang lumalaban sa pamamahala ng Espanya.

Bilang pagpupugay sa 19 Martir ng Aklan, taun-taon ay ginugunita ang kanilang kabayanihan sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang aktibidad tulad ng mga parada, seremonya ng pag-aalay ng bulaklak, at pagtuturo sa mga kabataan ng kanilang kabayanihan at sakripisyo na may malaking parte sa ating kalayaan.

Isa sa mga tampok na bahagi ng pagdiriwang ay ang pagbisita sa Bantayog ng 19 Martir na matatagpuan sa Kalibo Aklan ito ay tinatawag na “Aklan Freedom Shrine”. Bilang pagpupugay sa mga martir, ang kalyeng kung saan sila pinatay ay pinangalanang XIX Martyrs Street. Dito, binibigyang-pugay ang kanilang kabayanihan at inaalala ang kanilang kontribusyon sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang kanilang buhay at sakripisyo ay isang paalala na ang kalayaan ay may kasamang matinding pagsubok at sakripisyo. Ang ating tungkulin bilang mga Pilipino ay hindi lamang ang alalahanin sila kundi ipagpatuloy ang kanilang nasimulanโ€”ang pagmamahal sa bayan, ang pagiging makabayan, at ang paninindigan para sa katotohanan at katarungan. Sa bawat anibersaryo ng 19 Martir ng Aklan, nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang kanilang diwa ng kagitingan na mas patuloy pa nating ipakita ang ating tunay na pagmamahal sa ating bayan.

โœ๐Ÿป: Earlyn Joy G. Arboleda, Senior Staff Writer

๐Ÿ–ผ: Lorence Traje, Layout Artist

#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#xixmartyrsofaklan