๐—›๐—จ๐—˜๐—”๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ก-๐—ข๐—ก 2025: ๐—œ๐—ž๐—”๐—ง๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ข๐—ก

Ginanap noong Marso 19-21, 2025, ang tatlong-araw na pagdiriwang ng kabataan, Hueag Pamatan-on, na nagbigay-daan sa mga โ€œpamatan-onโ€ o kabataan na hasain ang kanilang pamumuno sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad na sila mismo ang nag-organisa.

Sa pangunguna ng SHS SSC at Fistastic Club, kasama ang Linguistic Luminaries Club, Agsci Club, at Philomath Club, naghanda sila ng kanya-kanyang aktibidades para sa mga mag-aaral ng senior high school. Nakilahok din ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan.

Sa unang araw, nagsimula ang Hueag Pamatan-on sa isang masiglang parada mula sa NVC ASQ building, paikot sa Capitol Plaza, at pormal na binuksan sa CSQ gymnasium. Sinimulan ni Niรฑa Mae R. Bais, punong guro, ang programa sa pamamagitan ng kanyang nakapagbibigay-inspirasyong talumpati.

Kasunod nito ay ang pagbubukas ng mga booth ng iba’t ibang strands, kung saan ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain at sipag. Ang mga makukulay na disenyo at makabagong ideya ay nagbigay-diin sa talento at potensyal ng bawat mag-aaral.

Sumunod sa pagbubukas ng mga booth, nagsimula ang iba’t ibang paligsahan at aktibidades, kabilang na ang danceology, spelling bee, jeopardy, history quiz bee, at sports fest na pinangunahan ng volleyball. Samantala, sa labas ng gym, puno ng sigla ang paligid. Ang bawat booth ay gumamit ng iba’t ibang paraan para maengganyo ang mga mamimiliโ€”may mga banda na nagtatanghal ng live performance, mga estudyanteng sumasayaw sa harap ng kanilang paninda, at mga estudyanteng gumagamit ng komedya para makaakit ng mga bibili.

Sa ikalawang araw, nagpatuloy ang mainit na labanan ng sports fest sa umaga. Naganap ang basketball sa kategorya ng mga lalaki, at gayundin sa kategorya ng mga babae. โ€ŽSa haponโ€š ang mga mag-aaral ay nagpakita ng kanilang mga interes at lakas sa ibaโ€™t-ibang larangan sa pamamagitan ng Career Pathwalk.

Nag bigay si Janica Anne Dela Peรฑa ng isang inspirasyonal na salitaโ€š โ€œAng pag-pili ng pangunahing kurso sa kolehiyo ay hindi lamang tungkol sa mga praktikal na pagsasaalang-alangโ€š ito ay tungkol sa pagsunod sa iyong mga interesโ€š lakasโ€š at halaga.โ€ Ang mga salitang ito ay naging inspirasyon sa mga mag-aaral upang sundin ang kanilang mga pangarap at magtagumpay sa kanilang mga pinapangarap na maging trabaho sa kasalukuyang panahon.

Isang panibagong araw na puno naman ng sigla, saya, pagdiriwang, at pagkatuto ang nasaksihan ng mga mag-aaral sa huling araw.

Masiglang sinimulan ng mga mag-aaral ang kanilang umaga sa pamamagitan ng “Math Camp: Sipnayang Saya 2025,” na dinaluhan ng mga kalahok mula sa Junior High School at Senior High School. Dito, nagpamalas sila ng kasiglahan at atensyon sa mga aktibidad gaya ng Math Race, Charades, Chant and Yells, at iba pa.

Hindi naman nagpakabog ang mga kalahok ng EcoVogue na nagpamalas ng angking galing sa pagrampa. Ibinida nila ang kanilang magagarbong kasuotan na gawa sa mga recycled na materyales.

Sa kabilang dako naman, sa labas ng NVC CSQ gym ay may isinagawang Treasure Blaize ang Linguistic Luminaries Club. Ito ay masiglang nilahukan ng mga mag-aaral na nagpamalas ng angking pagtutulungan, abilidad, at katalinuhan.

Ang Hueag Pamatan-on ay nagtapos sa pamamagitan ng isang programa ng pagkilala para sa mga nanalo sa iba’t-ibang larangan ng patimpalak; mapa-isports, booth, at aktibidad pang-organisasyon. Ang mga mag-aaral ay nabigyan ng pagkakataon na makilala at maparangalan sa kanilang ipinamalas na angking abilidad.

โ€ŽHigit pa sa isang simpleng paligsahan, ang Hueag Pamatan-on ay isang plataporma para maipakita ng mga kabataan ang kanilang galing, talento, at pamumuno. Gayunpaman, ang aktibidad na ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng mas matibay na pundasyon ng tiwala at pagsasamahan ng bawat mag-aaral.

โœ๏ธ๐Ÿ“ธ: Queesy Lozada, Shahannah Barrera at Bloom Rich Baquid

For more photos, clickย here.