Ang pagbabasa ay hindi lamang para sa isipan, kundi pati rin sa puso. Walang mas hihigit sa kasiyahan ng pagbukas ng aklat at pagyakap sa mga kwento nitong hatid.

Parte ng pagdiriwang ng Araw ng Pagbabasa at Buwan ng mga Kababaihan, nagsanib-puwersa ang NVC Forum Publication at ang Movement of Gratitude upang magsagawa ng isang masaya at makulay na reading activity at gift giving para sa mga munting mag-aaral ng BLISS Daycare Center. Gamit ang mga maikling kwento na nagpapahayag ng mga kwento ng kababaihanโmula sa kanilang lakas, tapang, at kahalagahan sa lipunanโlayunin ng aktibidad na ipakita sa mga bata ang kahalagahan ng edukasyon at pagpapahalaga sa kakayahan ng kababaihan.
Sa pamamagitan ng simpleng aktibidad na ito, pinapalaganap ang isang makulay na mensahe ng pagkakaisa at suporta para sa mga kababaihan, at sabay na ipinagdiriwang ang kahalagahan ng pagbabasa bilang isang paraan ng pagpapalawak ng kaalaman sa kanilang mga munting isipan. Ang storytelling at gift-giving na ito ay naghahatid ng hindi lamang saya kundi pati na rin aral at inspirasyon.
Ang pagtutulungan ng NVC The Forum Publication, Movement of Gratitude, at iba pang mga kasamahan ay nagbigay daan upang magtagumpay ang layunin ng programaโang magsanib-puwersa upang maiparating sa mga mag -aaral ang kahalagahan ng pagbabasa at pagbibigayan sa kanilang buhay.
“Pagbasa at pagbibigayan, dalawang hakbang patungo sa mas maliwanag na bukas.”
: Earlyn Joy G. Arboleda, Senior Staff Writer
Edited by: Russel Suzette Buyoc
#nvctheforumpublication#northwesternvisayancolleges#MovementofGratitude#NationalReadingMonth#WomensMonth#PROUDNVCian