๐ฃ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐-๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฆ๐: ๐ก๐ฉ๐ ๐ง๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐จ๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐ง ๐ ๐ข๐ฉ๐๐ ๐๐ก๐ง ๐ข๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐๐ง๐จ๐๐, ๐ ๐จ๐๐๐ก๐ ๐ก๐๐๐๐๐๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ฌ๐

Sa mata ng isang bata, ang isang kwento ay higit pa sa mga salita sa pahinaโito ay isang daigdig ng imahinasyon, aral, at inspirasyon.
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Pagbasa, isinagawa ng NVC The Forum Publication katuwang ang Movement of Gratitude ang isang storytelling at gift-giving event para sa mga mag-aaral ng BLISS Daycare na ginanap sa Ati-atihan Festival Hotel.
Layunin ng programa na palakasin ang interes ng mga bata sa pagbabasa habang pinapalaganap ang diwa ng pagpapahalaga at pagbibigayan.
Binuksan ang programa ng mga kawani ng NVC The Forum Publication: si Jean Gelito, ang associate editor, bilang Master of Ceremony. Sinundan ito ng isang panalangin na pinangunahan ni Marsha Ocumas, ang managing editor, at binuksan ng pambungad na pananalita mula sa Editor-in-Chief na si Cedrick V. Cusay.
Pinangunahan ng NVC The Forum Publication ang isang makulay at makabuluhang storytelling session para sa mga mag-aaral ng BLISS Daycare. Sinimulan ng Junior Staff Writer na si Dea Abayon ang kwentuhan, na may siglang binati at ineenganyo ang mga bata habang ibinabahagi ang kwentong “Ang Engkanto sa Bukid Tigayon,” isang akdang isinulat mismo ng Chairman ng event, si Mrs. Maria Solita Zaldivar-Guzman.
Sinundan ito ni Queesy Lozada, na muling pinukaw ang imahinasyon ng mga bata sa kanyang pagsasalaysay ng “The Little Red Hen”.
Samantala, may dedikasyon namang tinapos ni Shahannah Tambong ang sesyon sa kanyang mahusay na pagkwento ng “Mrs. Mc Nosh and the Great Big Squash”, tinitiyak na bawat bata ay hindi lang nag-saya kundi may natutunan ding mahalagang aral mula sa mga kwentong ibinahagi.
Bago matapos ang storytelling session, isang coloring activity ang isinagawa sa pangunguna ng Movement of Gratitude. Namahagi sila ng blue bags na naglalaman ng mga coloring materials na nagbigay sigla at kasiyahan sa mga bata.
Bukod pa rito, tumanggap din ng mga regalo ang mga batang aktibong lumahok sa pagsagot ng mga tanong mula sa storytelling session. Dagdag pang mga regalo ang ibinahagi ng iba pang mga sponsor ng event na lalong nagpasaya sa mga munting mag-aaral.
Ang matagumpay na programa ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Movement of Gratitude at NVC The Forum Publication, katuwang ang Ati-atihan Festival Hotel at iba pang tagasuporta. Malugod itong sinustentuhan ng McDonald’s, Kalibo Cable Television Network, Ati-atihan Festival Hotel, Local Government Unit of Kalibo, Konsehal Matt Aaron Guzman, Pangalawang Punong Bayan Dr. Cynthia C. Dela Cruz, at Ms. Jearlyn Navejas Castor.
Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito, naipadama sa mga kabataan ang halaga ng pagbabasa at pagbibigayanโisang paalala na sa bawat pahinang binabasa, may binhi ng inspirasyon at kaalaman na itinatanim sa kanilang puso at isipan.
: Jerose April Abada, Section Editor
: Kyla Stephanie Nalumen, Feature Committee at Hyster Marie Tibus, Senior Photojournalist
For more photos, clickย here.
#nvctheforumpublication#northwesternvisayancolleges#sa_nvc_ikaw_ang_bida#MovementofGratitude#NationalReadingMonth




