๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™” ๐™‡๐™„๐˜ฝ๐™€๐™๐˜ผ๐™๐™„๐™Š๐™‰ ๐˜ฟ๐˜ผ๐™”: ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ฌ

Tuwing ika-18 ng Marso, ginugunita nating mga mamamayan sa Panay ang ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฎ ๐™‡๐™ž๐™—๐™š๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ, isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan sapagkat inaalala nito ang paglaya ng isla mula sa pananakop ng mga Hapones noong World War II.

Ang ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฎ ๐™‡๐™ž๐™—๐™š๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ ay naganap noong Marso 18, 1945, nang matagumpay na nagwagi ang mga gerilya sa tulong ng puwersa ng Estados Unidos. Sa pumumuno ni COLONEL MACARIO PERALTA JR at ng ika-40 Infantry Division ng Estados Unidos, naglunsad ng malaking pag-atake sa mga Hapon, at ang resulta nito ay ang ating kalayaan mula sa kanilang kamay.

Ang araw ng kalayaan ng Panay, ay ginugunita sa mga lalawigan ng Aklan, Antique, Iloilo, at Capiz. Ito ay idineklarang ๐˜š๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜•๐˜ฐ๐˜ฏ-๐˜ž๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜บ sa mga lalawigang nabanggit.

Ang mga tampok na gawain tuwing Panay Liberation Day ay mga parada, seremonya, at mga dula-dulaan patungkol sa naganap na digmaan. Ang mga gawaing ito ay isinasagawa upang mabigyang karangalan ang mga bayani sa digmaan, at makapagbigay kaalaman sa makabagong henerasyon ngayon.

Mahalagang bahagi ang Panay Liberation Day sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagpapakita ito ng katapangan, husay, at pagkakaisa ng ating mga ninuno. Ang araw na ito ay nagbibigay daan upang alalahanin ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para makamtan ang inaasam na kalayaan ng minamahal nilang Panay.

โœ๐Ÿป: Avril Lliamey Y. Carvajal, Managing Edito

๐Ÿ–ผ๏ธ: Christoph Calpito, Layout Artist

#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#panayliberation