๐๐ข๐ ๐ฃ๐จ๐ง๐๐ฅ ๐ฆ๐๐๐๐ก๐๐, ๐ก๐๐๐๐๐ข๐ฆ ๐ก๐ ๐๐ฆ ๐ช๐๐๐ ๐ฆ๐ค๐จ๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก

Noong Marso 12-14, 2025, naganap ang isang masaya at makulay na kaganapan sa Computer Science Department ng ating institusiyonโang CS WEEK Squid Game Edition. Tatlong araw na selebrasyon na puno ng mga makulay na aktibidad, kompetisyon, at samahan ng mga mag-aaral at guro, na nagbigay-diin sa pagpapalaganap ng kasiyahan at pagtutulungan sa kabila ng lahat ng mga hamon sa larangan ng computer science.
Sinimulan ang kaganapan ng isang grand opening na puno ng enerhiya at saya na inumpisahan sa isang fun run, zumba, opening ceremony, C-shout Showdown at Red Light, Green Light na tampok sa temang “Squid Game Edition,” kung saan ang mga aktibidad ay naging isang pagsubok ng tiyaga, talino, at teamwork, tulad na rin ng mga laro sa sikat na serye. Ang departamento ay inihati sa apat na grupo: Team Error 404 na ang mga miyembro ay first year, Team Queu Pals naman ang sa second year, Team Computer Saiyans ay ang mga third year at Black Bytes naman ay ang mga fourth year.
Ang ikalawang araw ay puno ng mga nakaka-excite na kompetisyon tulad ng CompBee, Abbrevee, BeeNary, CodeSprint++, Excel Rush, Mobile Legends, Photo Manipulation, CSquid Exit, CSquid UX, Block Blast at Code Master na nagpakita ng galing at kasanayan ng mga kalahok. Ang bawat aktibidad ay nagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na ipakita ang kanilang mga natutunan at makipagtagisan sa iba’t ibang disiplina ng computer science. Sa kabila ng mga pagsubok, kitang-kita ang espiritu ng pagtutulungan at camaraderie sa bawat koponan.
Ang ikatlong araw ng CS WEEK ay mas naging espesyal sa pamamagitan ng Mr. and Ms. ComSci 2025. Sa gabing ito, ipinamalas ng mga kandidato ang kanilang mga talento, kaalaman sa larangan ng computer science, at likas na kagandahan at talino. Isang glamorosong gabi ng paghahangad ng titulo, kung saan ang mga kandidato ay naglakad sa runway at sumagot sa mga katanungan tungkol sa kanilang pananaw sa industriya ng computer science at kung paano nila maisusulong ang mga layunin ng kanilang departamento.
Gayun paman, kinoronahan naman bilang Ms. Com Sci si Bb. Ria Dalmacio at Mr. Com Sci naman si Ginoong. John Gabrielle Tropa.
Pagkatapos ng Search for Mr. at Ms. ComSci, nagpatuloy ang kasiyahan sa isang Fellowship Night. Isang gabi ng masayang salo-salo, pagkain, at sayawan, kung saan ang mga mag-aaral at guro ng Computer Science Department ay nagtipon upang magsaya at magdiwang ng tagumpay. Ang fellowship night ay naging pagkakataon ng lahat na mag-relax, makipagkwentuhan, at mas lalo pang pagtibayin ang samahan ng bawat isa.
: Kyla Stephanie Nalumen, Senior staff writer at Janna Impreso, Circulation Manager
: BACOMM 2A
Tingnan ang iba pang litrato: https://www.dropbox.com/…/AIGR7YE-nRh_etZRMCiEPDE…
For more photos, clickย here.
#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#CSWeek#computerscience




