๐—๐—๐—– ๐—ก๐—ฉ๐—–: ๐—ฃ๐—”๐— ๐—จ๐— ๐—จ๐—ก๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”, ๐— ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ ๐—ฃ๐—”

“Always lead everyday. Choose to lead every day.”

Ito ang mensahe ni John Marden Maigue, 2025 Local Organization Executive Vice President ng JCI Aklan Kalantiao, sa Vanguard Leadership Seminar na ginanap noong Marso 8, 2025, sa Carmen Hotel, Kalibo, Aklan.

Pinangunahan ng JCI Junior Club (JJC) Northwestern Visayan Colleges (NVC) ang programang ito upang ihanda ang mga lider ng hinaharap. Dumalo ang mga nahalal na gobernador at kinatawan ng iba’t ibang departamento ng NVC na layuning mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pamumuno.

Higit pa sa isang seminar, ito ay isang pundasyon ng pagbabagoโ€”isang hakbang patungo sa pagiging mas epektibong pinuno sa paaralan at komunidad.

Bilang bahagi ng programa, ipinakilala rin ang mga bagong miyembro ng JJC NVC, kabilang ang bagong Local Organization President, Raphaela Natasha Ferrer.

Dumalo rin ang 2023 Regional Vice President of Region 6 for JCI Philippines, Allan Angelo L. Quimpo, at 2023 Local Organization President ng JJC NVC, Jorge Tolores Jr. Kasama rin ang pamilya ng bagong presidente at iba pang panauhin na nagbigay suporta sa programa.

Sa programa, hindi lang kaalaman sa pamumuno ang ibinahagi kundi pati mga pahayag na nagbigay inspirasyon sa mga dumalo. Isa sa mga tampok na bahagi ang pagkilala sa kontribusyon ng dating presidente, Jorge Tolores Jr. Sa kanyang pamamaalam sa posisyon, nagpasalamat siya sa JJC NVC sa tiwalang ibinigay sa kanya at ibinahagi ang kanyang mga natutunan sa panunungkulan.

Samantala, sa kanyang pahayag bilang bagong presidente, nagpahayag si Raphaela Natasha Ferrer ng pasasalamat at pangako na ipagpapatuloy at palalawakin ang mga proyekto ng organisasyon. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga nasimulan at pagpapasimula ng mga bagong inisyatiba para sa hinaharap.

Sa pagtatapos ng Vanguard Leadership Seminar, dalawang pangunahing ideya ang naipamalasโ€”ang kahalagahan ng pamumuno at ang pagpapalakas ng susunod na henerasyon ng mga lider.

Sa pagpasok ng bagong pamunuan, isang bagay ang tiyakโ€”ang diwa ng paglilingkod at inspirasyon ay magpapatuloy, hindi lamang sa paaralan kundi sa mas malawak na komunidad.

โœ: Wilmar Delos Santos, Junior Staff Writer

๐Ÿ“ธ: Brent Lorenz Roberto, Photojournalist

#vanguardleadership#jjc#NVCTheForumPublication#NorthwesternVisayanColleges#Sa_NVC_IKAW_ANG_BIDA#BidaKaSaNVC#leadershipmatters#LeadershipInAction