𝐍𝐕𝐂 𝐌𝐀𝐑𝐎𝐎𝐍𝐒, 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐌𝐒𝐀𝐌 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐍𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐄𝐃𝐀𝐋𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐖𝐕𝐑𝐀𝐀 2025!

Sa halos 900 na mga kalahok na atleta, naitaas ng NVC Maroons ang kanilang bandila matapos ikatawan ang Aklan sa isport na Volleyball sa kategoryang sekondarya sa Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) 2025 na ginanap sa bayan ng Antique nitong buwan ng Marso sa taong 2025.
Anim na koponan ang naglalaban-laban sa nasabing isport — Antique, Iloilo, Aklan, Guimaras, Capiz, and Negros Occidental. Nilampaso nila ang Team Iloilo sa Elimination Round ngunit kinapos sa Team Antique sa Semi-final Round, na nagbigay sa kanila ng titulong 2nd Runner-Up.
Dahil dito, nakamit nila ang tansong medalya, ngunit isang malaking karangalan pa rin daw ang pagkapanalo nila laban sa bayan ng Iloilo sa kauna – unahang pagkakataon. “Never stop playing,” pahayag ng kanilang open spiker na si Yazuda Khelowa Villorrente sa isang panayam.
Higit pa dito ay nakuha din ng kanilang open spiker na si Yazuda Khelowa Villorrente ang pagkilala bilang “Best Player of the Game” laban sa bayan ng Iloilo. Tinanghal ding “Best Player of the Game” ang kanilang setter na si Iah Tiffany Nobleza sa kanilang unang panalo laban sa bayan ng Guimaras na ginanap noong Ikatlo ng Marso.
Hindi man nakuha ng Aklan ang gintong medalya, isang karangalan pa rin ang makakuha ng tansong medalya para sa bayan nito. Ito ang kanilang magiging upang ipanalo ulit ang kanilang laro sa WVRAA ng susunod na taon.
: Archie Lee Dela Cruz, Junior Staff Writer
: Khyn Akizah Emmary, Layout Artist
#northwesternvisayancolleges#Sa_NVC_ikaw_ang_BIDA#nvctheforumpublication#wvraa2025#NVCMaroons
