๐—ฃ๐—”๐—™๐—–, ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—•๐—ข๐—ฆ๐—˜๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐— ๐—” ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—”

Sa gitna ng lumalaking populasyon ng mga mangingisda at magsasaka, itinalakay sa Kapihan sa Aklan ang kahalagahan ng pagpapatibay ng food security sa pamamagitan ng mga programa at polisiya ng PAFC. Ang nasabing usapin ay ginanap sa Baeay Saea Puean, Infant Jesus Academy.

โ€œAng layunin ng aming programa ay maging Boses at tulay ng mga magsasaka at mangingisda.โ€

Ito ang binigyang-diin ni Bb. Vic Mae Macavinta, Division Chief ng Cooperative Development, nang tanungin tungkol sa layunin ng Provincial Agricultural and Fisheries Council (PAFC).

Samantala, binigyang-diin din ni G. Arnulfo Magcope ang kahalagahan ng kooperatiba sa sektor ng agrikultura: “Cooperative is not the way. It is THE ONLY WAY.”

Ayon sa PAFC, bukas ang kooperatiba para sa lahat ng magsasaka at mangingisda na nangangailangan ng suporta. Isa sa mga proyektong kanilang isinulong ay ang pamamahagi ng mga dryers para sa mga magsasakang nahihirapang patuyuin ang kanilang aning palay, lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Patuloy na isinusulong ng PAFC ang mga inisyatibang naglalayong mapakinggan at matulungan ang mga magsasaka at mangingisdaโ€”hindi lamang sa Aklan kundi sa buong bansa. Bukod dito, layunin din nilang maging tulay para sa mas matibay na pagkakaisa ng sektor ng agrikultura.

โœ๐Ÿป: Gloremar Castillon, 3rd year BACOMM

๐Ÿ“ธ: Arville Jay Yabut, 3rd year BACOMM

#nvctheforumpublication#northwesternvisayancolleges#pafc#kapihansaaklan#FoodSecurityForAll