ASH WEDNESDAY

Ang “𝗔𝘀𝗵 𝗪𝗲𝗱𝗻𝗲𝘀𝗱𝗮𝘆” ay isang mahalagang araw sa liturhiyang Kristiyano, partikular na sa Simbahang Katoliko. Ito ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma, isang apatnapung araw na panahon ng pagninilay, pagsisisi, pag-aayuno, at pananalangin bilang paghahanda sa Pasko ng Pagkabuhay.
Sa araw na ito, ang NVC Community ay nakisama sa selebrasyon ng Miyerkules ng Abo na ginanap kaninang umaga sa NVC DVS, ASQ, at RSQ. Ang selebrasyon sa NVC Community kaninang umaga ay isang magandang halimbawa ng pananampalataya at pagkakaisa. Ang pagsasama-samang ito ay nagpapakita ng debosyon at pagnanais na magkaroon ng mas malalim na relasyon sa Diyos sa panahon ng Kwaresma.
: Earlyn Joy G. Arboleda, Senior Staff Writer
: JayM Viray, Photojournalist
#northwesternvisayancolleges#sanvcikawangbida#nvctheforumpublication#miyerkulesngabo




