๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—œ, ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฌ๐—”๐—”๐—ก; ๐—ฆ๐—”๐—š๐—œ๐—ฆ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—จ๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—— ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ข

โ€œIsang hakbang patungo sa mas mataas na kalidad ng edukasyon.โ€ โ€“ Ito ang naging sentro ng makasaysayang pagpapasinaya ng NVC Crim II Building, ang bagong gusali ng Northwestern Visayan Colleges (NVC) para sa Criminology Department. Isa itong patunay ng patuloy na pag-unlad ng institusyon sa paghahatid ng de-kalidad na edukasyon sa larangan ng kriminolohiya.

Pinangunahan ng mga mahahalagang opisyal ng NVC, kabilang ang Pangulo, Lupon ng mga Direktor, mga sponsor, at mga panauhing pandangal, ang seremonya. Dumalo rin ang mga guro, kawani, at mag-aaral na nagpahayag ng kanilang kasiyahan at pananabik sa bagong pasilidad.

Ang dalawang-palapag na gusali ay dinisenyo upang mapahusay ang pag-aaral ng kriminolohiya. Sa unang palapag, matatagpuan ang isang Laboratoryo at isang Physical Education Room para sa praktikal na pagsasanay at pisikal na aktibidad. Ang ikalawang palapag naman ay may apat na silid-aralan upang matugunan ang lumalaking bilang ng mga mag-aaral. Bukod dito, lalagyan din ito ng bago at de-kalidad na kagamitan upang mapalakas ang kasanayan ng mga estudyante sa teorya at praktikal na aplikasyon ng kanilang kurso.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni G. Marvin Retulin, Head ng Physical Plants and Facilities, ang malaking papel ng proyektong ito sa pagpapabuti ng edukasyon sa kriminolohiya. Aniya, sinimulan ang proyekto noong Hulyo at matagumpay itong natapos ngayong taon. Pinasalamatan din niya ang suporta ng mga opisyal na naging instrumento sa pagsasakatuparan nito.

Samantala, ayon kay G. PhD. Oscar Soriano, Dean ng Criminology Department, ang bagong gusali ay isang hakbang patungo sa mas mataas na antas ng pagtuturo. “This new milestone is the start of new improvement,” aniya. Dagdag pa niya, “Looking forward for new rooms. Looking forward for state-of-the-art equipment,” na nagpapahiwatig ng determinasyon ng departamento sa pagpapahusay ng kanilang programa.

Bukod sa bagong gusali, ibinahagi rin ni G. Allan Angelo L. Quimpo, CPA, MBA, Pangulo ng NVC, ang iba pang plano ng institusyon. Aniya, “This year, we’re starting to plan for another new building,” na magbibigay-daan sa mas maraming oportunidad para sa iba’t ibang departamento.

Ilan sa mga mahahalagang plano ng NVC ay ang sumusunod:

โ€ขPagpapalawak ng Elementary at Junior High School upang matugunan ang lumalaking populasyon ng mga mag-aaral.

โ€ขPagpapatapos ng pangalawang kusina para sa Tourism at Hospitality Management Department, na may Hot and Cold Area at display area, na inaasahang matatapos sa susunod na buwan.

โ€ขPagpapaunlad ng Communication Department sa pamamagitan ng activity-based learning at pagpapalakas ng industrial skills ng mga estudyante.

โ€ขPagpapababa ng bilang ng mga asignatura (subject streamlining) upang mas bigyang-pansin ang mahahalagang kurso at gawing mas epektibo ang kurikulum.

โ€ขPagpapabilis ng proseso ng enrollment para sa mas maayos at episyenteng pagpapatala ng mga estudyante.

โ€ขPagpapatayo ng gusali sa bagong bili na pag-aari sa hinaharap.

Ayon kay G. Quimpo, ang NVC ay hindi lamang naglalayong magkaroon ng matatalinong mag-aaral kundi nais ding linangin ang kanilang kakayahan, diskarte, at kahandaan sa trabaho upang sila ay maging handang-handa sa totoong mundo ng propesyonalismo.

Sa pagtatapos ng seremonya, nanawagan ang mga opisyal sa lahat na pangalagaan at ingatan ang bagong gusali upang mas matagal itong mapakinabangan. Ang pagpapasinayang ito ay hindi lamang isang pagtatapos ng proyekto kundi isang simula ng mas maliwanag at produktibong hinaharap para sa buong NVC.

Junior Staff Writer: Wilmar Delos Santos

Photojournalist: Alexandra Joy Soriano

For more photos, click here.