π—žπ—”π—£π—œπ—›π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—”π—žπ—Ÿπ—”π—‘ π—‘π—”π—šπ——π—”π—’π—¦ π—‘π—š π—§π—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¬π—”π—‘ π—¨π—žπ—’π—Ÿ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—§π—”π—‘π—šπ—žπ—œπ—Ÿπ—œπ—ž 𝗔𝗧 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š π—žπ—¨π—Ÿπ—§π—¨π—₯𝗔 π—‘π—š 𝗦𝗔𝗬𝗔π—ͺ

Isang makabuluhang deliberasyon ang isinagawa sa Kapihan sa Aklan na nakatuon sa pagtangkilik, pagpapahalaga, at pangangalaga sa ating pamana ng sayaw sa Baeay Saea Puean, Infant Jesus Academy Compound.

Dumalo sa kaganapan ang mga panauhing sina Errol Ordines, Jeremy Tubao, at Kristine Sumugat mula sa Aklan Historical and Cultural Society, kasama ang mga estudyante mula sa NVC. Napuno ng makabuluhang talakayan at mga bagong kaalaman ang silid habang ibinahagi ng mga panauhin ang mga layunin ng kanilang organisasyon, partikular ang mga hakbang upang mapanatili at mapalaganap ang ating pamana sa sayaw.

Sa kanilang mga huling pahayag, inanunsyo ng mga panauhin ang kanilang nalalapit na kaganapan, ang Sayaw Pinoy 2025, na magaganap sa Pebrero 27, 2025 sa NVC CSQ Gymnasium, OsmeΓ±a Avenue, Estancia, Kalibo, Aklan. Inaanyayahan ang lahat na dumalo at saksihan ang mga pagtatanghal ng mga lokal at pambansang talento. Ito ay bukas para sa lahat ng nais makiisa at magbigay-suporta sa kultura ng sayaw sa bansa.

-Jonah Macahilig at Gloremar Castillon

Senior Photojournalist: Hyster Marie Tibus

For more photos, click here.