𝗡𝗩𝗖 𝗙𝗢𝗥𝗨𝗠 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗢𝗡𝗘: 𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗔𝗥𝗧 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟

“Art is all about humility and respect, it’s not about achievements, accolades, and position.”

—Ito ang makabuluhang mensahe ni Ginoong Roy Escalona sa isinagawang AKONE: Mental Health Art Festival, kung saan lumahok ang NVC Forum Publication noong Pebrero 8, 2025, sa City Mall-Kalibo.

Inorganisa ng Provincial Youth Development Office (PYDO), ang festival ay may temang “Ani ng Sining, Diwa at Damdamin” at nilahukan ng iba’t ibang sektor, paaralan, at organisasyon.

Pinangunahan ng Aklan Kamera Organization (AKO) ang pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa sining at photography. Dalawang kilalang maniniyot ang naging tagapagsalita: Ginoong Roy Escalona na tinalakay ang kahalagahan ng sining sa kanyang pahayag na “Frame of Mind”, at Ginang Loida Cordova, na nagturo ng “Smartphone Photography for Art and Storytelling”, isang gabay sa epektibong paggamit ng cellphone sa pagkuha ng larawan.

“There are already so many photographers who capture pretty pictures. Go beyond that. Go capture impactful images.” – Mensahe ni Ginang Loida Cordova para sa mga susunod na litratista.

Sa pamamagitan ng festival na ito, nabigyang-diin ang papel ng sining sa pagpapahayag ng damdamin at pagpapalakas ng kamalayan sa mental health.

Wilmar Delos Santos, Junior Staff Writer

Brent Lorenz Roberto, Photojournalist