๐——๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐˜‚๐—บ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—ž๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐˜€๐—ถ๐—ฎ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ผ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€

Dalawang miyembro ng Forum Publication, sina Louis Joseph M. Candari at Noreen V. Bernas, ang napili upang kumatawan sa Pilipinas sa Asia Youth International Model United Nations (AYIMUN) 17th, isang prestihiyosong internasyonal na kumperensya na gaganapin sa Thailand.

Ang AYIMUN ay isang international youth leadership program na nagbibigay ng plataporma sa mga kabataang lider mula sa ibaโ€™t ibang panig ng mundo upang talakayin ang mahahalagang isyung kinakaharap ng United Nations. Layunin nitong palakasin ang kakayahan ng kabataan sa parliamentaryong diskurso at pagbuo ng mga solusyong may respeto, integridad, at hangaring reporma.

Ayon kay Louis, isang simpleng Facebook post ang nagtulak sa kanya upang lumahok sa AYIMUN. โ€œNakita ko ito sa Facebook at naisip kong subukan magparehistro. Naisip ko, wala namang mawawala,โ€ aniya. Subalit sa huling bahagi ng aplikasyon, napagtanto niya na ang kanyang hilig sa liderato at representasyong pangkultura ang tunay na nagtulak sa kanya upang sumali.

โ€œNaisip ko ang kakayahan ng kabataan na magamit ang kanilang boses sa tamang paraan. Iniisip ko rin ang mga kabataang patuloy na lumalaban sa kabila ng kanilang mga pagsubok. Kaya nandito ako, hindi lang upang kumatawan sa aking paaralan kundi sa buong Aklan at Pilipinas,โ€ dagdag pa niya.

Para naman kay Noreen, ang kanyang pagkahilig sa paglalakbay, sining, at kultura ang nag-udyok sa kanya upang magparehistro. โ€œAng AYIMUN ay isang pambihirang pagkakataon upang makilala ang mga tao mula sa ibaโ€™t ibang kultura at bansa. Napili ako sa maraming aplikante, at isa itong biyaya na hindi ko palalampasin,โ€ wika niya.

Sa usapin ng paghahanda, parehong binigyang-diin ng dalawa ang financial preparations at pagpapahusay ng kanilang public speaking skills. โ€œDahil ito ang aking unang international conference, kailangang paghandaan ko ang pagsasalita sa harap ng maraming tao at ang pakikilahok sa mga debate,โ€ ani ni Noreen.

Ang pagkakabilang ng dalawang miyembro ay isang patunay na ang kabataang Pilipino ay may kakayahang makilahok sa pandaigdigang usapan. Sa kanilang dedikasyon, tapang, at pagmamahal sa bayan, dala nila ang pangalan ng Pilipinas sa isang entabladong kinabibilangan ng mga pinakamahuhusay na kabataan mula sa ibaโ€™t ibang panig ng mundo.

Sa darating na Asia Youth International Model United Nations, hindi lamang sila magiging mga kinatawanโ€” sila ay magiging boses ng pag-asa, pagbabago, at inspirasyon para sa mas maraming kabataang Pilipino.

Associate Editor: Jean Gelito

Layout Artist: Lorence Traje