NVC Adopted School, Kampyon sa sinaot sa Calle

Itinanghal na kampeon ang Bakhaw Norte Integrated School (BNIS), ang adopted community ng Northwestern Visayan Colleges, sa 2025 Sinaot sa Calle It mga Inungang Ati sa kategoryang Balik-Ati (Secondary Level) noong Enero 14.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng dedikasyon at pagtutulungan ng kanilang choreographer na si Jay Lawrence Fernando at ng NVC Student Supreme Council (SSC) sa pamumuno ni John Leovy Basijan, na siyang tumulong sa paggawa ng mga props.

“Talagang unexpected ang mga pangyayari at di naming inakalang kami ang mananalo dahil halos lahat ng sumali ay magagaling din at magaganda ang costume, pero lahat ay worth it!” ani ni Fernando matapos ang kanilang pagkapanalo.

Nagsilbing inspirasyon ang pagkapanalo ng paaralan sa kanilang komunidad at sa suporta ng NVC.