PAGDIRIWANG NG PAGKAKAISA, PANAAD, AT ALAALANG PANGHABANGBUHAY

Isang gabi ng kasiyahan, makukulay na kasuotan, at pagbabalik-tanaw ang ginanap na NVC Alumni Homecoming Masquerade Ball noong Enero 15, 2025, sa CSQ Gymnasium, kung saan muling pinatunayan ng mga alumni ang kanilang pagmamahal at pagkakaisa para sa minamahal na institusyon.

“Tonight, we gather not just as former students, but as lifelong members of this remarkable institution—a place where friendships were formed, dreams were nurtured, and futures began to take shape.”

Ito ang makabagbag-damdaming mensahe ni Dr. Vicente S. Quimpo, School Physician at miyembro ng Board of Directors ng NVC, sa masiglang pagtitipon.

Napuno ng kasiyahan at magagarbong kasuotan ang gymnasium habang nagkasama-sama ang mga alumni ng NVC, kasama ang pangmalakasan na tugtugan ng isang banda mula Roxas City, Capiz.

Sa tampok na Team Costume Festival Attire ng NVC Sadsad Panaad, itinanghal na kampeon ang Team Educators, habang ang Team Hoteliers ang nagkamit ng 1st Runner Up, D’Generals bilang 2nd Runner Up, Primos bilang 3rd Runner Up, at Executives sa 4th Runner Up.

Mas naging kapana-panabik ang gabi dahil sa mga laro at raffle na inihanda para sa lahat ng bisita. Isang makabuluhang selebrasyon ng pagkakaisa, pasasalamat, at patuloy na suporta para sa NVC!

✍🏻: Cedrick V. Cusay, EIC

📸: Brent Lorenz Roberto, Photojournalist

#NVCTHEFORUM#Sa_NVC_IKAW_ANG_BIDA#TheForumPublication#nvcalumni

Check out more amazing photos! Just click the link.