𝐈𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐧𝐨 𝐛𝐚 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐚𝐧𝐢𝐦 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚-𝐚𝐜𝐡𝐢𝐞𝐯𝐞 𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐚 𝐍𝐢ñ𝐚?
Maraming puno ang dapat nating itanim, ngunit hindi ibig sabihin nito na magkakaroon o mararanasan natin ang La Niña. Ang mga puno ay mahalaga upang mabigyan tayo ng lilim at malamig na simoy ng hangin, gayundin nakakatulong ito sa pagpigil ng iba’t ibang sakuna tulad ng baha, pagguho ng lupa, at iba pa.
Pagsinabi nating 𝐄𝐥 𝐍𝐢ñ𝐨 ito ay abnormal o hindi pangkaraniwang pag-init ng panahon dala ng lubhang pag-init ng Karagatang Pasipiko lalo na sa may bandang ekwador, samantalang ang 𝐋𝐚 𝐍𝐢ń𝐚 naman ay ang pagkakaroon ng tag-ulan sa mahabang panahon na kung saan ang ibabaw ng dagat sa may kahabaan ng ekwador sa Gitnang Silangang Karagatang Pasipiko ay nagiging mas mababa ng 3 to 5 degree Celsius kaysa normal.
Sa grabe ng init na nararanasan natin ngayon mayaring uminom ng maraming tubig at iwasan ang pagbibilad sa sikat ng araw mga NVCian!
Illustration by: Kenrich Freud Bernal BSCS 1A